Abroad ang pag-asa (2) | Bandera

Abroad ang pag-asa (2)

Joseph Greenfield - February 28, 2014 - 03:19 AM

 Sulat mula kay Arlin ng Barangay Malagutay, Zamboanga City

Problema:

1. Napakahirap na po ng pamumuhay dito. Kahit nagtatrabaho ang isa sa magulang sa abroad ay wala pa rin kaming sariling bahay. Lumipat kasi ng amo ang tatay ko dahil malupit ang una niyang amo. Ang kaso, maliit ang suweldo na ibinigay sa kanya at tinanggap naman niya kesa wala. Marami kaming magkakapatid.

2. Mas malaki ang napupunta sa mga nag-aaral sa kolehiyo. Kung hindi matitigil ang pagpapadala ng pera ay matatapos na ako sa aking kurso sa susunod na taon. Nais ko sanang malaman kung makapaga-abroad ako. Gusto kong mag-abroad para makatulong ako sa aming pamilya at maibili at maipagpagawa ko ng sariling bahay ang mga magulang ko. Kailan ito mangyayari? May 13, 1989 ang birthday ko.

Umaasa, Arlin ng Barangay Malagutay, Zamboanga City

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing tunay ngang susuwertehin ka sa mga gawaing may kaugnayan sa pag-oopisina na babagay rin sa iyong pinag-aralan.

Numerology:

Ang birth date mo ay nagsasabing mabilis na pangyayari ang magaganap sa iyong buhay, kung saan sunud-sunod na suwerte at nakatakda mong maranasan sa sandaling makatapos ka na ng pag-aaral.

Luscher Color Test:

Upang lalo kang suwertehin sa buhay, lagi kang magsuot ng kulay na pula at silver na alahas. Sa nasabing kulay at alahas ay dagdag na magagandang kapalaran ang iyong matatanggap.

Graphology:
Masyadong maliit ang iyong sulat kamay at lagda. Lakihan mo ang iyong sulat kamay at lagda. Kapag lumaki ang pagkakasulat mo sa iyong handwriting at lagda, tuluy-tuloy kang susuwertehin at uunlad.
Huling payo at paalala:
Arlin, tunay ngang ikaw ay nakatakdang tumupad ng malaon mo nang pangarap sa inyong pamilya upang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Ayon sa iyong kapalaran, ito ay mangyayari at matutupad sa sandaling nakapag-abroad ka sa taon 2015.  Lilipas ang limang taon ay makapagpupundar ka ng sariling house and lot para sa iyong mga kapatid at minamahal na magulang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending