HOROSCOPE February 28, 2014 | Bandera

HOROSCOPE February 28, 2014

Madam Sophia |February 28,2014
facebook
share this

HOROSCOPE February 28, 2014

Madam Sophia - February 28, 2014 - 03:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung nagbabalak magpaganda ng bahay ay kurtinang apple green ang magbibigay ng suwerte at magandang kapalaran.  Sa pag-ibig, kung apple green ang isusuot, matamis na romansa ang aanihin. Sa pinansyal, sa pamamagitan ng apple green ay mas mabilis na kikita ng malaking halaga. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi masamang tumulong subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinti mo ang mga tamad. Sa pag-ibig, ang kinabukasan ng pamilya ang mas dapat umahin at pahalagahan.  Mapalad ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Blue at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Habang nagpapakabuti at nagpapakasipag, lalong dadami ang salapi. Sa pag-ibig, huwag lokohin at huwag ding ipagpalit sa iba ang kasuyong Virgo dahil malaki ang maitutulong niya sa iyo. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Tama ang pagkukuripot kung pagyaman ang layunin. Sa pag-ibig, aanhin ang salitang “pagmamahal” kung pareho naman kayong walang pera? Higit na mas nagiging maligaya ang isang relasyon kapag maraming panggastos. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam-Om-Kebalam.” Gray at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa pinansiyal at pag-ibig, kapag may katuwiran – ipaglaban mo! Sa ganyang attitude, mas lalo kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pag-ibig, kung ayaw mong mapakialaman ay huwag ding makialam sa buhay ng iba, posibleng mapasok ka na naman sa isang intriga. Sa pinansyal, huwag manggaya ng produkto, panahon na upang umimbento ka ng sarili at unique na kalakal na magpapayaman sa iyo.   Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wala nang ibang panahon kundi ngayon upang magbago! Sa pinansyal, disiplinahin ang sarili na magtipid. Sa pag-ibig, huwag kang maghintay ng “ideal love” dahil hindi darating yan! Makipagrelasyon sa isang Taurus upang lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Silver at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Pabagu-bago ang lagay ng panahon kaya uso na naman ang ubo at sipon. Sa pag-ibig, regaluhan ng prutas at sariwang gulay ang kasuyo upang hindi siya magkasakit. Sa pinansyal, laging maglaan ng pera para sa mga bagay na pang-emergency. Mapalad ang 6, 18, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.”  Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ituloy ang maligayang relasyon sa isang Cancer. Sa pinansyal, ituloy ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa ganyang teknik ay tuloy-tuloy ka lang sa iyong ginagawa, higit kang mas magiging maligaya. Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Lakas ng loob ang kailangan. Sa pinansyal, kumilos nang kumilos at hindi dapat matakot at mag-alinlangan sa sariling kakayahan.  Sa pag-ibig ay ganoon din, kapag mahina ang loob ay walang ligayang makakamit.  Mapalad ang 3, 18, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Aum-Yophiel.” Maroon at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansiyal, ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag at darating din ang araw at kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa minamahal at huwag manghinayang sa load – “mag-unli” ka na lang! Mapalad ang 8, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig at aspetong pang pinansiyal, kung puro damdamin ang paiiralin ay paano ka uunlad? Sa pag-ibig, maging praktikal upang hindi ka na lumuha pang muli at masaktan. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pag-ibig, hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Ang tapat at dalisay na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending