MASAYANG ginanap ang taunang Christmas party this year ng kilalang talent management na PPL Entertainment ni Perry Lansingan last Thursday. Dumating ang mga sikat na talent ni Perry that night sa pangunguna ng top artists niyang sina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Angelica dela Cruz, LJ Reyes, Wendell Ramos, Wilma Doesn’t, Gabby Eigenmann at Jolina Magdangal.
Sa gitna ng kasiyahan ay nakausap namin si Dingdong. Pahinga siya that day from shooting sa movie nila ni Kris Aquino para sa 2011 Metro Manila Film Festival sa December, ang “Segunda Mano.” Dalawang shooting days na lang daw sila at tapos na ang movie.
Narito ang kabuuan ng aming one-on-one interview kay Dingdong.
BANDERA: So far, kumusta naman ang shooting n’yo for “Segunda Mano?”
DINGDONG DANTES: Sobrang, habang tumatagal, habang lumalalim ‘yung shooting, e, nagiging masaya kahit nakakatakot ‘yung sinu-shoot namin.
B: Kumusta kayo ni Kris sa set ng “Segunda Mano?
DD: Okey naman, okey kasi lahat open magsalita, open ang communication especially with direk Joyce (Bernal) around, si Kris, si Angelica (Panganiban), so, siyempre masaya na naririnig ko ‘yung conversations nila and it’s like I’m watching TV because you know, we always talk tungkol sa buhay-buhay.
B: Magpo-promote ka ba sa ABS-CBN ng movie n’yo ni Kris?
DD: Ah, well, hopefully. Tingnan natin kung ano, hanggang saan ang extent ng ating trabaho, kung pwede tayong lumabas sa kabilang network.
B: Ano’ng chance na makakapag-promote ka ng “Segunda Mano” sa ABS-CBN?
DD: Hangga’t wala pa ko roon siyempre hindi ko pa masasabi na 100%. But there are plans and siyempre I will always go back to consulting my higher-ups and of course my home network GMA, if schedule would permit.
B: Paano naman ang naging working relationship mo with the staff and crew ng Star Cinema na siyang gumagawa ng “Segunda Mano?”
DD: Alam mo sa totoo lang, siguro figures aside, kahit anong aside, kidding aside, kung tao-tao lang these are also people that I’ve worked with before nu’ng nag-uumpisa ako. Wala siyang pinagkaiba. Pangalan lang ang nag-iba, maaaring konti sa kultura pero kung anu ‘yung nagpantay-pantay sa amin ay ‘yung parehong love namin sa movies, ‘yung commitment namin.
‘Yun ‘yung mga bagay na common denominator namin na kahit ano pang pangalan, kahit ano pang panig, e, pag-uwi natin sa ending magkakasama tayong lahat.
B: Bilang katrabaho, kumusta naman si Kris?
DD: Well, siguro there was this scene na kailangan ko siyang bilang magboyfriend-girlfriend kami na may argumento siguro masaktan ng konti hindi ko siya magawang saktan. Siyempre, hindi ako ganu’n, e. ‘Yun lang, doon ako nahirapan. Minsan sinasabi ni direk Joyce kailangan agresibo. Panoorin ninyo na lang kung bakit ganu’n.
B: May kissing scene din kayo ni Kris, di ba? Nakunan na ba?
DD: Panoorin ninyo na lang kung meron. Ayoko rin namang sabihin hindi ko alam kasi it might be a very important part of the story, so, I don’t want to reveal it all also.
B: Maiinit ba ang mga eksena n’yo ni Angelica sa movie?
DD: Hindi sa mainit pero medyo mature, asawa ko siya sa movie. Very energetic, ‘yun na lang, doon sa scene namin. Sa sobrang taas ng energy nila, e, ‘di siyempre, talagang naaaliw ako.Kakaiba ‘yung energy nila kasi mula umaga hanggang gabi. And siyempre nadadala rin ako kahit paano. So, it’s really a very different experience.
B: Nadala ka rin ba sa love scene n’yo ni Angel
DD: Ah, wala, wala. Wala kaming sexy scenes ni Angelica. Wala talaga.
B: Wala namang dahilan para magselos si Marian kay Angelica?
DD: Oo naman, of course. Actually, kung pupuwede ko lang i-explain ‘yung relationship ng mga characters namin sa movie gagawin ko but I would spoil the movie kapag ginawa ko ‘yun.
B: Can you mention kung sino ang gumanap na nanay ni Angelica na hinulog niya raw sa bangin sa movie?
DD: Ay, hindi, wala ako nu’ng shooting na ‘yun. So, hindi ko alam. Actually, kahit rushes hindi ko pinapanood. Gusto ko kasi ma-surprise ako pag pinanood ko na.
B: Ano ang plano n’yo n Marian ngayong Pasko?
DD: Christmas eve sa bahay namin. Tapos Christmas day bibisita ako kina Marian.
B: Nu’ng nakausap namin si Marian sinabi niya na naibigay na raw niya sa ‘yo ang Christmas gift niya for you. Totoo ba?
DD: Yes, nabigay na niya. Ewan ko ba du’n.
B: Ano’ng Christmas gift niya sa ‘yo?
DD: ‘Yung paborito kong motorsiklo binigay niya sa akin. ‘Yung Ducati. Nagulat nga ako. Bibilhin ko na dapat ‘yun, e. Inunahan niya ako. So, sabi ko, grabe ka. Grabe na ‘to.
B: Kailangan ba pantayan mo ang iniregalo sa ‘yo ni Marian?
DD: Hindi ko alam.
B: May naisip ka na bang ireregalo kay Marian?
DD: Meron. Pero may gift man ako o wala sa kanya mas mahalaga ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa. Kung sa materyal, ayaw kong sabihin mamatay man pero wala talaga. Pero siyempre ako ang nakakaalam kung ano ang gusto niya. Something na kailangan niya. Pero maganda ’yan kapag naisip ko, maikwekwento ko sa inyo kung paano ko siya naisip na iregalo sa kanya.
B: Ano ang naisip mo nu’ng ibigay na sa ‘yo ni Marian ang Ducati motorcycle?
DD: Ah, nagulat ako. Never kong in-expect that I would receive something like that. Kasi ako mas ugali ko ‘yung ako ang nagbibigay. Kaya kapag may nagbibigay sa akin hindi ako makapaniwala. Hindi ako sanay lalo na ‘yung mga bagay na ganu’n.
B: So far ito na ba ang pinakamahal na binigay sa ‘yo ni Marian?
DD: Wala sa mahal, e. Alam niya kasing gustung-gusto ko ‘yun. Hindi naman sa obsessed pero kasi in love na in love rin ako sa riding. Alam niya ‘yun, so, tuwang-tuwa ako.
B: Wish mo bang manalo ng award for their movie “Segunda Mano” sa filmfest?
DD: I don’t expect anything. In all my projects naman hindi ‘yan ang priority ko kapag may ginagawa ako. Gusto ko lang mag-enjoy at lalung-lalo na gusto ko mag-enjoy ‘yung mga nakapanood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.