Maricel sobrang nasaktan sa pag-alis sa ABS; pumirma ng kontrata sa Siyete | Bandera

Maricel sobrang nasaktan sa pag-alis sa ABS; pumirma ng kontrata sa Siyete

Ervin Santiago - February 20, 2014 - 03:00 AM


Inamin ni Maricel Soriano na matindi ang sakit na naramdaman niya noong magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng mga bossing ng ABS-CBN.

Kahapon, sa isinagawang presscon ng GMA 7 para sa Diamond Star bilang bagong Kapuso star, sinabi ni Maria na grabe ang na-feel siyang kalungkutan sa nangyaring “gusot” sa pagitan nila ng Kapamilya station.

Hindi na idinetalye pa ni Maria ang mga nangyari noon pero siguradong ang tinutukoy niya ay ang pagkakatanggal niya sa teleserye ni Gerald Anderson.

Sey ng bagong miyembro ng Kapuso station, iniyakan daw talaga niya ang nasabing kontrobersiya, pero siyempre, she has to move on and be strong sa gitna ng mga pagsubok na dumarating sa buhay niya.

At isa nga sa part ng moving on process ay ang pagpirma ng kontrata sa GMA 7, per project muna ang Diamond Star sa Kapuso station, at ang una nga niyang magiging trabaho rito ay ang teleserye nila ni Dingdong Dantes with Lovi Poe, na may working title na Ang Dalawang Mrs. Real.

Magsisimula na sa susunod na buwan ang taping nito at mapapanood na sa darating na Mayo. Kuwento ni Maria, napakaganda raw ng kuwento ng nasabing serye kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Mala-May-December affair ang tema ng soap, at gaganap silang mag-asawa dito ni Dingdong. Sey pa ng award-winning actress, bukod kay Dong, gusto rin daw niyang makatrabaho si Dennis Trillo dahil talagang bumilib daw siya rito nang mapanood niya ang My Husband’s Lover.

Present sa contract signing with the Diamond Star kahapon sa GMA Network building sina GMA CEO Atty. Felipe Gozon, GMA Entertainment TV’s OIC Lilybeth Rasonable, VP for Entertainment Marivin Arayata, VP for Drama Redgie Acuña-Magno, VP for Corporate Communications Angela Javier-Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending