Andi galit na galit sa Salisi Gang, mga kaibigan ninakawan sa loob ng sinehan | Bandera

Andi galit na galit sa Salisi Gang, mga kaibigan ninakawan sa loob ng sinehan

Alex Brosas - February 20, 2014 - 03:00 AM


GALIT na galit si Andi Eigenmann sa mga  nagsamantala sa mga kaibigan niyang dumalo sa premiere night ng kanyang latest movie. Apparently, nabiktima ng magnanakaw ng ilang friends niya na sumuporta sa kanyang pelikula.

“Ilan sa mga kaibigan ko nanakawan kanina sa sine pagkanood mg premiere night. Pasalamat nalang at hindi sila nasaktan. Pero hindi ibig sabihin dapat nang makalampas ang mga taong ito, na napakamakasarili,” tweet niya.

“Ang mga inimbitahan namin ay ang mga taong sumusuporta at nagmamahal sa amin. Para makisama sa pag celebrate ng isang bagay na mahalaga para sa lahat ng bumubuo ng pelikula.

Ang dami palang mga taong napakamakasarili. Mga walang modo,” dagdag niya. Sino kayang mga friends niya ang nanakawan? At paano kaya sila nanakawan?

May balitang mga miyembro ng Salisi Gang ang umatake sa nasabing sinehan. Anyway, magsilbi sanang lesson ito para sa mga dumadalo sa premiere night para hindi na maulit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending