Deniece, Cedric unti-unting lumulubog sa kumunoy; NBI marami pang nahuhukay na ebidensya | Bandera

Deniece, Cedric unti-unting lumulubog sa kumunoy; NBI marami pang nahuhukay na ebidensya

Cristy Fermin - February 17, 2014 - 03:00 AM


Habang tumatagal, ayon sa ating mga nakakausap, ay parang nakatungtong sa kumunoy sina Cedric Lee at Deniece Cornejo na palubog nang palubog sa kanilang kinatatayuan.

Habang lumalalim kasi ang proseso ng imbestigasyon ay heto, maraming nahuhukay na ebidensiya ang mga ahente ng NBI para ipanglaban sa kanila, taliwas sa mga una nilang pahayag ang mga pruwebang naglilitawan ngayon.

Hindi raw sila magkarelasyon, sabi ni Cedric, kaibigan lang daw ng kapatid nitong babae si Cornejo, pero bakit nito hinahalik-halikan ang babae nu’ng bumalik na sila sa condo pagkatapos nilang ipa-blotter si Vhong Navarro, nagkakaladyaan lang sila?

At nakuha pa nilang maglandian sa elevator, samantalang may isang Vhong Navarro na sarado na ang magkabilang mata sa sobrang pananakit ng tropa, wala lang ‘yun sa kanila?

At ito namang hitad na si Deniece, patuloy pa ring umaarte nang hindi tama, iginigiit pa rin niya na hindi raw niya type si Vhong, pero bakit tatlong oras silang magkasama sa kanyang unit nu’ng January 17 nang gabi?

Nakakaloka ang mga taong ito, kundi ba naman sila hibang, sukat ba namang ikutin nila nang ikutin ang lahat ng network nu’ng kapuputok pa lang ng iskandalo para maisalba agad ang kanilang mga sarili sa galit ng ating mga kababayan dahil sa ginawa nilang pananakit-pananakot-pambababoy kay Vhong Navarro?

Ano ngayon ang nangyayari? Ang mga nauna nilang salita mismo ang kalaban nila ngayon, ang mga pahayag nilang ‘yun ang mas nagdidiin pa sa kanila ngayon, kaya ang sabi ng ating mga kababayan ay sa bibig talaga nahuhuli ang isda at hindi sa buntot! Totoong-totoo.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending