Toni: Mas mahalaga sa akin ang love kesa sa sex!
Speaking of Toni Gonzaga, kung paniniwalaan ang mga naging statement ng TV host-actress sa nakaraang episode ng Aquino & Abunda Tonight, ibig sabihin talagang virgin na virgin pa ang girlfriend ni direk Paul Soriano.
Nang tanungin kasi ni Boy Abunda si Toni kung pinapayagan na ba siya ng kanyang mga magulang na sumama kay Paul sa isang room, her answer was, “Honestly, hindi. Ganoon sila ka-conservative. ‘Yan ay para raw irespeto ka ng mapapangasawa mo saka ng mga tao sa paligid mo.”
E, paano naman daw kung after their wedding ay malaman nilang hindi sila sexually compatible? “Ako kasi paniniwala ko Tito Boy, at saka kung paano rin ako pinalaki, I think love should be greater than your lust for each other.
“Naniniwala ako that love should be unconditional. Hindi porke mahal mo ang isang tao, ang kondisyon mo dapat sexually compatible tayo. I think that love should be the strong foundation of a marriage,” she added.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.