“ORIGINAL naman po kami at group effort talaga.” Ito ang mataray na pahayag ng isang member ng Wonder Gays na si Grey patungkol sa sinasabing hanggang ngayon diumano ay hindi sila tanggap ni Vice Ganda bilang mga stand-up comedians na ngayo’y nasa concert scene na rin.
Noong unang labas kasi ng grupo ay talagang nag-react ang kampo ni Vice na diumano’y nagagamit ang komedyante sa isyu lalo pa’t wala naman itong kinalaman sa palabas ng Wonder Gays.
Nagkaroon pa nga ng isye na pinaharang daw ni Vice ang guesting ng mga ito sa Showtime na eventually naman ay kinlaro ng box-office star, wala naman daw itong katotohanan.
Pero mayroon ngang effort na ginawa ang grupo para magkaroon sila ng access sa idolo nilang galing din sa mga comedy bars subalit iba nga raw ang nangyari kapatid na Ervin dahil anila, “Sa mga nakakarating sa aming tsika, para bang diring-diri siya sa amin.”
Halatang masama ang loob ng karamihan sa grupo lalo pa’t minsan na rin daw nilang ginawang inspirasyon si Vice.
Hindi nga sila pumapayag na magsalita pa dahil ayaw nilang maakusahang muling nanggagamit pero matino naman ang sagot nilang, “Sa ganitong paraan at pagkakataon lang kami nakakapagpahayag ng opinyon namin. Mahirap ba o masama ang magpakatotoo?”
Sa repeat ng kanilang show na magaganap sa Nov. 30 sa The Library ay mapupunang santambak na ang nadagdag sa kanilang mga guests, “Lahat kasi sila gustong sumabay, sumakay at makisaya sa amin!” ang pakorus na sabi ng Wonder Gays na tiyak na magiging kontrabida na naman sa mga mata ng disipulo ni Vice Ganda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.