Sharon: Ayoko kasing manira! | Bandera

Sharon: Ayoko kasing manira!

- November 28, 2011 - 01:47 PM

Sa mga malilisyosong chika laban kay Piolo

Sa panayam namin kay Sharon Cuneta na ipinalabas kahapon sa Paparazzi Showbiz Exposed ay kapansin-pansin na kesa sa makapagsalita siya nang matindi patungkol kay Piolo Pascual ay itinawa niya na lang nang husto ang sitwasyon.

Malikot kasi ang aming imahinasyon, sa pinong paraan ay naitawid namin ang tanong sa Megastar kung nababagabag ba siya ng mga kuwentong umiikot at ayaw mamatay-matay, na kuwestiyonable ang kasarian ng sikat at guwapong aktor.

“Ayoko kasing manira. Ayokong manghusga agad. Basta ang sa akin lang, ayokong nakikitang nasasaktan ang anak ko. Mahal namin si Kristina (KC), mahal na mahal ko ang anak ko, kaya kahit sino naman sigurong ina, e, masasaktan kapag nakikita niya ang anak niya na nasasaktan din,” makahulugang komento ng Megastar.

At sa opinyon ng iba na ipinagpalit niya ang kanyang loyalty sa ABS-CBN dahil sa isang bilyong isong halaga ng pinirmahan niyang limang-taong kontrata sa TV5 ay napakaganda ng kanyang katwiran.

Nahinog lang siguro ang panahon dahil matagal na niyang gustong sumubok naman ng ibang paghamon, magbago ng kapaligiran sa pagtatrabaho, para maranasan niya ang iba’t ibang larangan.

“Maayos ang pagpapaalaman namin ng mga executives ng ABS-CBN. In fact, bago ako pumirma ng contract sa TV5, magkakasama kami nu’ng previous night,” kuwento pa ni Sharon.

Malaking karagdagan sa bakuran ng TV5 ang Megastar, dadagdagan pa ng ningning ng kanyang bituin ang bakuran na handang makipaglaban sa mga naghaharing network ngayon, ang pagiging agresibo ng TV5 ang tiningnang mabuti ni Sharon Cuneta bago siya pumirma ng kontrata sa Kapatid network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending