Lakers nilampaso ng Timberwolves | Bandera

Lakers nilampaso ng Timberwolves

Melvin Sarangay - February 06, 2014 - 03:00 AM


MINNEAPOLIS — Nagtala si Kevin Love ng 31 puntos at 17 rebounds para sa Minnesota Timberwolves na sinira ang pagbabalik ni Steve Nash sa Los Angeles Lakers sa pagtala ng 109-99 pagwawagi sa kanilang NBA game kahapon.

Kinamada naman ni Kevin Martin ang 14 sa kanyang season-high-tying 32 puntos sa unang 10 minuto ng laro para tulungan ang Timberwolves na magtayo ng 25-puntos na kalamangan sa kalagitnaan ng ikalawang yugto.

Si Nash ay hindi nakapaglaro simula pa noong Nobyembre 10 bunga ng nerve problems. Ang magiging 40-anyos na two-time league MVP ay nagtala ng pitong puntos at siyam na assists sa 25 minutong paglalaro.

Nagbalik din si Steve Blake mula sa torn ligament injury sa kanyang kanang siko mula noong Disyembre 10. Nagkaroon naman siya problema sa kanyang tainga at hindi siya nakaiskor sa 31 minutong paglalaro.

Sina Jodie Meeks (sprained right ankle, first quarter) at Jordan Hill (headache at neck strain, first quarter) ay nawala rin sa Lakers, na hindi nakasama si NBA All-Star guard Kobe Bryant sa halos kabuuan ng season.

Hindi rin naglaro si Pau Gasol bunga ng strained right groin at malamang na hindi makapaglaro hanggang matapos ang All-Star break.

Bulls 101, Suns 92
Sa Phoenix, gumawa si Carlos Boozer ng 19 puntos at 12 rebounds para tulungan ang Chicago Bulls na putulin ang five-game winning streak ng Phoenix Suns.

Ang Bulls ay tumira ng 45 porsiyento mula sa field at may limang manlalaro na umiskor ng double figures para makabangon mula sa 99-70 pagkatalo sa Sacramento Kings noong isang araw.

Sina Jimmy Butler at D.J. Augustin ay kapwa nag-ambag ng 18 puntos para sa Bulls, na nagwagi sa ikalimang sunod na pagkakataon sa Phoenix. Si Joakim Noah ay nagdagdag ng 14 puntos at 14 rebounds.

Pinamunuan ni Goran Dragic ang Phoenix sa itinalang 24 puntos habang si Channing Frye ay may 18 puntos.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending