Xian mas masahol pa sa mga butangerang bading sa Comedy Bar; idinamay pa si Bea Binene
GALIT ang mundo sa male starlet na si Xian Lim dahil sa pambabastos nito sa isang Kim Chiu look-alike nitong nakaraang Banana Nite specials cum countdown na ginanap sa Manila in celebration of the Chinese New Year.
After niyang kantahin ang “So It’s You” na okay naman sana ang dating sa audience ay lumabas sa stage ang ka-look-alike ni Kim para pasa-yahin sana ang crowd.
It was actually a briliant portion kung marunong lang maki-paglaro ang super-bastos na Xian na ito. Kaya lang, kabaligtaran ang ginawa niya.
Nu’ng bumati siya sa audience after ng kaniyang song number, bumati din ang girl na parang Kim Chiu ang drama. Biglang parang tumaas ang kilay nitong si Xian at nag-dialogue ng, “Ang taas ng energy ah! Sino ba ‘to?” na parang nang-aasar.
Marami ang nagulat sa tinuran niya hangga’t pumasok na ang isang mainstay ng Banana Nite na si Jayson Gainza to the girl’s rescue at para mainterbyu na rin ang taklesang si Xian.
“Bakit nandito si Bea Binene? May project ba ang taga-GMA dito?” more or less ang laman ng sinabi ng dalahirang male starlet named Xian.
Kitang-kita ang mukha ng pobreng ka-look-alike na nalungkot – nakakaawa talaga ang hitsura ng girl na wala namang kasalanan kungdi ang pinaakyat lamang siguro ng staff ng Banana Nite para mag-play as Kim to add to the crowd’s excitement dahil hindi ba’t hindi na pagtatambalin sina Kim and Xian sa next projects nila?
Si Coco Martin na ang makakasama ni Kim as leading man sa bago nitong epic serye sa Dos. Kaya lang, hindi sinakyan ng mas masahol pa sa butangerang baklang si Xian – bagkus ay binastos pa niya ito nang harap-harapan.
Hindi na kami nagulat sa naging asta nitong malamyang male starlet na ito dahil nagawa na rin niya ito sa amin a few months ago. Nabiktima kami ng hinayupak na male starlet na ito when Papa Ahwel and I did our “Mismo” show sa DZMM nang live.
I was at the studio that time while Papa Ahwel was at the Araneta Coliseum doing some live interviews with the artists via Skype when they did a fundraising show for the typhoon Yolanda.
Aba’t nag-feeling Yolanda ang lalamya-lamyang male starlet na ito at nag-walkout during our interview. Sarap sapakin.
We felt so bad for Papa Ahwel dahil siya ang nandoon sa venue kung saan umasta ng kabastusan itong si Xian.
Kung ako ang nasa posisyon ni Papa Ahwel, baka nasuntok ko ang hinayupak na lalamya-lamyang artista kuning na ito.
Anyway, isa pa – kung lalaki talaga siya, dapat maingat at magalang siya sa mga kababaihan.
Tulad niya, mistula siyang stand-up comedian para sabihing “bakit nandito si Bea Binene?” Bakit pati si Bea ay dinadamay niya?
Halatang nilalait niya si Bea if you read between the lines, di ba?
Naliliitan ba siya sa status ni Bea at pinaglalaruan niya ito? Kung isa siyang baklang komedyante na nagbitaw ng ganoon salita, oks lang pero lalaki pa raw naman siya at hindi komedyante kaya ano ang tawag mo roon? Dalahirang baklita?
Everyone hates Xian Lim and since solo na siya sa career niya ngayon – Kim is now being paired to Coco Martin – what happens to him? Ito ba ay isang paraan ng ABS-CBN to throw him out of the network?
Alam naman nating kahit paano ay stable na si Kim Chiu as far as her career is concerned pero itong si Xian ay malayo pa – hindi pa niya carry na mag-isa.
Kasi dinig ko, palaging sinasabon itong si Xian ng management niya dahil sa sobrang pagkataklesa kaya feeling namin ay unti-unti na itong sinisipa sa istasyon without him knowing it.
Kung hindi lang naman dahil kay Kim ay walang career ito eh. Isa siyang maliwanag na ehemplo sa kasabihang “ang langaw, nakapatong lang sa likod ng kalabaw pero kung umasta ay mas mataas pa sa kalabaw”.
Yung ganoon. So it’s you they’re talking about Xian Lim. Malapit na ang doomsday mo, honey. Pag wala ka nang career, sasamahan ka namin sa mga gaybar para tumambay na lang.
Malay mo – baka doon ka pa magka-career. Maraming magkakainteres sa yo du’n. Ha-hahaha!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.