Vice Ganda sa bagong kontrata sa ABS-CBN: Binigay lang naman nila ‘yung dapat sa akin!
WALA palang hininging karagdagang show o proyekto si Vice Ganda nang pumirma siya uli ng kontrata sa ABS-CBN. Nitong Jan. 13 lang ginanap ang contract signing na dinaluhan ng big bosses ng Kapamilya station.
Present sina Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, Lauren Dyogi at Deo Edrinal, kaya naman touched na touched daw si Vice.
“First time kong mag-contract signing na nandito silang lahat. Nakaka-flatter na nandito yung mga big bosses. I feel so special na ganitong treatment yung binibigay nila sa akin.
Kaya ngayon mas warm yung pag-welcome at pagtanggap nila sa akin sa Kapamilya network kaya masaya, ibang importansya,” sey ng TV host-comedian sa interview ng ABS-CBN.
Sey ni Vice, never siyang nag-isip na lumipat sa ibang istasyon kahit mage-expire na ang kontrata niya sa Dos, “I have never considered moving to other networks.
Never. It was an easy negotiation. Actually walang kailangang i-negotiate. Nung sinabing mag-e-expire na, renew ka na, sabi ko, ‘Go!’”
Nu’ng tanungin naman daw siya ng mga bossing ng network kung ano pa ang gusto niyang mangyari sa career niya ngayong 2014, wala raw siyang hiniling na bonggang-bongga.
“Tinanong lang nila na aside from GGV and Showtime kung may iba pa akong gustong gawin, sabi ko sobrang kuntento na ako. Siguro meron lang mga reformat na gagawin para mas mapaganda yung mga programa.
I didn’t really ask for a new show, may gusto lang akong bagong atake sa GGV na gagawin na open naman sila sa ganu’n,” chika pa ni Vice sa nasabing interbyu.
Hirit pa niya, “They just gave me what I deserve. They just gave me what’s due me.” Siyempre, isa pa sa ipinagpapasalamat ni Vice ay ang tagumpay ng entry nila sa nakaraang Metro Manila Film Festival, “Showing pa rin naman, extended ang Girl, Boy, Bakla,Tomboy dahil more than one hundred theaters showing sa buong Pilipinas, sa Northern America at sa Canada kaya dire-diretso pa yung pagpapasaya. Pero tapos na yung nerbiyos ko.
Nalagpasan ko na yung pressure, yung stress. “Masayang masaya na ako kasi ang daming taong nagpakahirap gumawa ng pelikulang ito but it’s all worth it.
“Okay lang naman sumali ulit. I wouldn’t mind. Kasi sobra akong blessed yung movie ko, film fest o hindi tinatao naman. Tinatanggap naman siya ng tao.
Kasi meron namang iba pag film fest bongga pero pag hindi parang okay lang,” litanya pa ng gay comedian.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.