Mga mandarambong sa kalamidad | Bandera

Mga mandarambong sa kalamidad

Jake Maderazo - January 13, 2014 - 02:34 PM

KUNG meron mang mga taong dapat sunugin ng buhay ay walang iba kundi  itong mga opisyal ng gobyerno at negosyanteng nagsasamantala sa kahinaan ng kanilang kapwa.

Doon na lamang sa Tacloban city, panay ang sabi ng gobyerno na pabalik na sa normal ang buhay doon at bukas na ang ilang negosyo. Bumabangon na raw.

Halos 80 porsyento ng mga bahay sa Tacloban City ang nawasak at ang mga puno ng niyog ay nagsitumba lahat. May 10,000 katao ang namatay (na ayaw paniwalaan ng gobyerno).

Pero, ngayong  dalawang buwan na ang nakalipas, paano na  ang pang-araw-araw na buhay doon?  Ang supermarket ng Robinsons Tacloban  ay “limited operations” pa rin at tig-15 minutos lamang pwede mamili ang mga mamimili.

“Per item” lang ang pwede bilhin ng kostumer para may pagkakataon ang lahat na makakuha ng pangangailangang pagkain.
Mahaba pa rin ang mga pila sa mga bakery at ilang maliliit na grocery store.

Presyong ginto ang itlog, bigas, instant noodles.  Maski ang bottled water.  Pati ang Coke ay tig-P60 ang kada litro.  Talaga namang super taas at hindi makakayanan ng ordinaryong tao lalo pa’t dumaan ito sa kalamidad.

Bakid daw mataas ang presyo? Kulang pa rin daw ng mga suplay kayat mas nagmamahal ang mga paninda. Kulang ba o sinasadya lang?

Maski mga produktong langis tulad ng gasolina at diesel ay mas mataas ng P10 kada litro kaysa sa presyo sa Maynila at ang 11 kilo ng LPG ay halos P1,400.

Pagdating sa mga pilahan  ng mga tao sa mga bangko , mahahaba rin lalong lalo na sa mga ATM machines.  Salamat sa mga kamag-anak nilang walang tigil sa pagpapadala ng tulong na pera.

Pero, paano ka mamumuhay sa Tacloban nang normal kung wala kang mabili at pag-uwi mo ay wala pa ring kuryente ?  Madilim at  hindi makakatiyak sa seguridad ang tao doon lalo kung gabi.

At magkano ba ang semento, plywood at iba pang construction materials doon?  Bukod sa napakamahal, wala ka namang mabilhan.

At kung magkaroon man, pagbabawalan ka rin ng gobyerno na magtayo habang ginagawa pa raw ang “rezoning” ng DENR-Mines and Geosciences Bureau.

Kinumusta ba ni Trade Secretary Gregorio Domingo ang presyo ng plywood, semento,  bakal, roofing at pang basic construction materials sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda?

Nakita niyo  naman iyong  ginagamit na kahoy sa mismong mga DPWH bunkhouses, mga Plyboard sa halip na Plywood at ito’y dahil daw  kulang ang suplay.

Walang kwenta ang idineklarang “state of calamity”  na umano’y magpaparusa  sa mga ganid na negosyante .  Akala ko ba kapag may kalamidad ay bawal ang pagtataas ng presyo ng mga pagkain ng taumbayan?

Nakabalita  na ba kayo na nanghuhuli ang DTI ng mga ganid na negosyante roon?  Nabalitaan ba ninyong umaksyon si Agriculture Sec. Proceso Alcala para tiyakin ang pagpasok at tuluy-tuloy na suplay ng mabibiling pagkain sa mga palengke sa Tacloban city at sa iba pang nasalantang bayan sa Eastern  Visayas?

Busy yata sa importasyon ng bigas si sir. Pero parang pinababayaan lang  ng Aquino administration ang kakulangan ng suplay ng mga pagkain at iba pang pangunahing bilihin?  Pulitika pa rin ba ito?

At ito namang si Tacloban city mayor Alfred Romualdez, tigilan niya ang pakikipag-away kay DILG sec. Mar Roxas at sa Malakanyang.

Gawin niya ang kanyang trabaho at  tutukan ang mga mandarambong na negosyanteng nakikinabang  sa kahirapan ng mga mamamayan. Kanselahin niya ang mga business permit ng mga ganid!

Ayaw na ng  mga taga- Tacloban ang mga sardinas, noodles at iba pang relief goods na dalawang buwan na nilang kinakain at tinatanggap sa mga magagandang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nahihiya na sila sa mundo at gusto nang bumangon at mamuhay sa sariling paa.  Pero, tila ayaw silang tantanan ng mga mandarambong na negosyante, ilang inutil na opisyal ng Aquino administration at maging itong si Mayor Romualdez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending