Sa taon ng kabayo: Jinggoy, Bong himas-rehas na
Ikaanim na serye
SA KALAGITNAAN ng taon, sabay na sisipain ng Kabayao sa showbiz sina Sharon Cuneta at Derek Ramsay at iba pang mga taga-TV5, sabay-sabay silang magsisipag-goodbye na sa showbiz dahil sa lumalalang internal problem sa nasabing kompanya.
Kasabay nito, biglang magkakaroon ng malaking sunog sa nasabing television station, mangyayari sa mga buwan ng Agosto hanggang Oktubre, sa mga petsang 7, 18, 22, 25, 29, 30 at 31, sa araw ng Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo, at sasabihin ng mga imbestigador na “faulty wiring” pero hindi iyon ang magiging tunay na dahilan ng nasabing malaking sunog.
Bago matapos ang taon, tuluyang maghihimas ng rehas na bakal si Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla, dahil sa kinasangkutan nilang “plunder case.”
Ito ay magaganap sa Huling Yugto ng Taon, sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre at posibleng sa loob ng karsel sila magpapasko.
Bagama’t laging mabango ang pangalan sa politika ni Bong Revilla, masisira na rin ng tuluyan ang kanyang career, subalit muli siyang makakabangon sa pamamagitan ng patuloy na pagtakbo ng kanyang maybahay na si Lani Mercado-Revilla bilang congresswoman at sa pagiging senador.
Nguni’t hindi pa rito natatapos ang kanilang kalbaryo, dahil sa huling buwan ng taon 2014, mapapabalitang may karelasyon si Lani Mercado sa sikat na politiko, na tuluyang mawawasak at ganap na masisira ang dating matino at magandang buhay pamilya ng mag-asawa.
Kasabay ng pagbagsak ng career at ambisyong politikal ni Sen. Bong Revilla, ganon din ang sasapiting kapalaran ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, sa taon ito ng 2014 sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre sa mga petsang 2, 11, 20, 29, at 30, sa araw ng Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo, tuluyan na rin silang malalaos at mawawala sa limelight hanggang sa sila na rin mismo ang magpapahayag ng pamamahinga sa showbiz upang magnegosyo na lang o kaya’y mag-concentrate na lang sa kanilang pamilya.
Habang sina Sarah Geronimo at Rachelle Anne Go, kung hindi mag-iingat, ay biglang mabubuntis sa rurok ng kanilang career. Ito ay magaganap sa mga buwan ng Abril hanggang Setyembre sa mga petsang 4, 12, 21, 25, at 30 sa araw ng Lunes, Martes, at Miyerkules, nguni’t matapos manganak sa ibang bansa, muli silang makababalik sa kanilang maningning na career at lalo pang sisikat sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa Huling Hati ng Taon, magluluksa naman ang ABS-CBN at GMA-7 at ang buong industriya ng show business sa biglaang pagpanaw ng dalawang kabataang artista, dalawang beteranong artista, isang newscaster, isang batikang showbiz writer at isang lady producer na nagtataglay ng initial na B. C. E. F. G. J. L. M. at N, mangyayari sa mga buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre, sa mga petsang 4, 11, 20, 29, at 31, sa araw ng Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Sabado.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.