Pero, alam mo ba na kapag nahuli kang nagmamaneho na lasing o nakainom ng
alak, ang multa ay P5,000 at masususpinde ng dalawang buwan ang lisensiya
mo?
Sa pangalawang huli na nagmamaneho ng lasing o nakainom ng alak, ang
multa ay P6,000 at masususpinde ang lisensiya mo ng tatlong buwan?
Sa pangatlong huli ay pagmumultahin ka ng P7,000 at masususpinde ng anim
na buwan ang iyong lisensiya?
At sa pang-apat na huli ay babawiin na ng Land Transportation Office ang
iyong lisensiya at maaari di ka na bibigyan ng lisensiya kailanman?
Kapag nahuli kang nagmamaneho na naka-droga ay P10,000 ang multa?
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo. Sundan bukas.
Hasta la vista.
Lito Bautista, Executive Editor BANDERA, September 6, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.