Greta maramot, tumangging ibili ng sariling bahay ang mga magulang | Bandera

Greta maramot, tumangging ibili ng sariling bahay ang mga magulang

Julie Bonifacio - January 04, 2014 - 03:00 AM

GRETCHEN AT INDAY BARRETTO

FROM Bataan kung saan kami nag-spend ng New Year’s eve, dumaan kami sa Subic pabalik ng Manila nu’ng late afternoon ng mismong araw ng Bagong Taon. Habang iniikot namin ang Subic guess ninyo kung sinong artista ang pumasok sa isip namin?

Walang iba kundi si Claudine Barretto. If our memory serves us right, e, ibinili ni Claudine ng bahay sa Subic noon ang kanyang mga magulang na ‘di nagawa ni Gretchen Barretto.

May nakapagkwento kasi sa amin na isa sa mga dahilan daw ng “pagka-inis” ng ina ni Gretchen sa kanya ay ang ‘di niya pagbibigay ng bahay sa kanyang mga magulang. Sabi pa ng aming source, lagi raw inuungot ng ina ni Gretchen na
bigyan sila ng bahay ng live-in partner ni Tony Boy Cojuangco.

Para naman daw kay Gretchen, hindi ganoon kadali for her na humingi ng bahay kay Tony Boy at ‘di raw ugali ni Gretchen ang nanghihingi sa kanyang live-in partner unless it was given to her voluntarily.

Kamakailan ay nakausap namin ang pamangkin nina Gretchen at Claudine na si Cholo Barretto. Ang mommy niya na si Michelle na kapatid ng dalawang aktres ang madalas na kasama raw ng kanyang tita which he fondly calls Ate Claudine.

“May trabaho rin po ang mommy ko. Pero kami ‘yung madalas nakakausap, tinatawagan ni Ate (Claudine). Lahat naman kami nagkakasama. Alam mo ang intriga sa TV lang ‘yan. Nanganganak at nanganganak lang ang isyu. But at the end of the day, we are a family,” pahayag ni Cholo.

Last Christmas, tiniyak ni Cholo na magkakasama pa rin sila ng pamilya niya at si Claudine.

“Every Christmas naman doon kami kina Ate. Lumaki akong ganoon and I’m not gonna change anything. Sa lahat naman po close ako. Pero si Ate, siya ‘yung nandoon sa lahat para sa pamilya. Hindi lang sa pamilya ko, kundi sa pamilya ng lahat. Maging sa mga kaibigan niya. So, she doesn’t deserve to be alone,” saad ni Cholo.

Masakit daw para sa kanya ang nangyayari kay Claudine, “Gusto mong magsalita pero, you know, kung hindi ka makakatulong sa sitwasyon huwag ka na lang magsalita. Ako, pamangkin lang ako. Pwede naman akong magsalita para sa pamilya. pero hindi na lang po ako dadagdag.”

Kasama raw siya ni Claudine nu’ng kaliwa’t kanan ang problema ng aktres.

“Hindi ako mawawala sa kanya. Ipinakita ko sa kanya ang suporta ko ‘yung nandoon ako sa tabi niya, niyakap ko siya. Nandiyan ako lagi para sa kanya,” diin niya,

Pero nu’ng tinanong namin si Cholo tungkol kay Gretchen wala raw siyang masasabi rito. At kung wala raw siyang mabuting sasabihin, e, hindi na lang daw siya magsasalita about Gretchen.

“Mahal ko po lahat ng nagpalaki sa akin. Mahal ko po lahat ng pamilya ko. Hindi na lang ako magsasalita tungkol kahit kanino.”

All-out din daw ang pagmamanal niya para sa kanyang lolo at lola, “Hindi ko na maiiwas ‘yan. Pero nandoon po ako para sa kanila bilang apo,” sabi pa niya.

Rosaryo ang iniregalo ni Cholo para sa kanyang grandparents na ang tawag naman niya ay mama at papa. Nagko-collect daw talaga nito ang kanyang Papa Miguel. In fact, lagi raw may dalang rosaryo sa bulsa ang kanyang lolo. Habang mahilig daw bumili ng rosaryo ang lola niya kahit saan magpunta.

On his career, kasama si Cholo sa pelikulang “10000 Hours.” Prior to this, lumabas din siya sa “Coming Soon” na indie film. Both films ay prodyus ng grupo nina Boy2 Quizon na mga kaibigan niya. Tumakbo rin si Cholo bilang councilor sa Parañaque pero hindi siya pinalad na manalo. Nakatira si Cholo with his family sa Merville, Parañaque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending