I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |December 27,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - December 27, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Jenny ng …2711. November 7, 1992 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong August 1, 1992 sa buwan ding ito ng Disyembre, habang papalapit ng papalapit ang pasko isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries ang biglang magiging boyfriend mo.
Mula kay Shiela Marie A. Laurel ng Guadalupe Nuevo, Makati City. August 15, 1977 ang birthday ko. Makapag-aasawa pa kaya ako at kailan?
Tugon ni Madam Sophia: Sa edad mong 36 hindi naman masasabing sobrang matandang dalaga ka na para hindi makapag-asawa. Isa pa ang mga babaing isinilang sa zodiac sign na Leo, ay likas na magaganda at may biglang dating ng suwerte sa kanilang buhay dahil ang ruling planet nila ay ang Sun. Ibig sabihin wag kang mawawalan ng pag-asa, lalo na sa susunod na taong 2014 ay year of the Horse, na ibig sabihin lang mabibilis na mga pangyayari ang magaganap sa iyong buhay sa nasabing panahon at isa nga rito ang mabilisang pag-aasawa.
Mas madaling matutupad ang nasabing pagtaya kung mula ngayon lagi kang magsusuot ng kulay na dilaw, berde at pula. Sa nasabing kulay, tulad ng naipaliwanag na, sa susunod nataong 2014 sa edad mong 37 pataas, magugulat ka pa, bigla kang makapag-aasawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending