Mayweather inalaska si Manny Pacquiao | Bandera

Mayweather inalaska si Manny Pacquiao

Mike Lee - December 26, 2013 - 03:00 AM


ANUMAN ang sabihin ni Floyd Mayweather Jr. laban kay Manny Pacquiao ay hindi pa rin nito mapigil ang sarili na alaskahin ang Pambansang Kamao na agad na kinakagat ng mga tao.

Humataw ng mga tweetpics si Mayweather na kung saan ginawang katawa-tawa nito si Pacquiao. May larawan na nagpapakita na si Pacman ay nagdarasal at nilagyan niya ito ng mensahe na hinihingi na tawagan siya ni Mayweather.

Makikita rin dito si Pacquiao na nakasubsob sa ring na nangyari noong pinatumba ni Juan Manuel Marquez sa ika-apat na tagisan noong  nakaraang taon.

“This is my Christmas card to the world… Happy Sleepy Holidays zzzzzz,” inilagay na mensahe ng kasalukuyang pound for pound boxer sa mundo.

Binubuhay ang usapin hinggil sa pagkikita ng dalawang tinitingala ng mundo sa boxing sa panahong ito ngunit nagpasabi ang kampo ni Mayweather na hindi sila papayag na mangyari ito hanggang si Bob Arum ang promoter ni Pacquiao.

Nag-init ang usapin na paglabanin sina Mayweather at Pacquiao matapos umani ng unanimous decision ang ipinagmalalaki ng Pilipinas laban kay Brandon Rios noong Nobyembre sa Cotai Arena ng The Venetian sa Macau, China.

Ang kumbinsidong panalo na ito ang nagtulak sa World Boxing Council na ilagay si Pacquiao bilang number one challenger sa welterweight division na isa sa dalawang koronang hawak ni Mayweather.

Ang isa ay sa mas mataas na junior welterweight class nito. Nilinaw naman ng WBC na hindi pa nila pinupuwersa si Mayweather na idepensa ang kanyang korona laban sa top contender nito na si Pacquiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending