Jessy bano pa ring umarte, palalamunin ng alikabok ni Louise | Bandera

Jessy bano pa ring umarte, palalamunin ng alikabok ni Louise

Alex Brosas |December 26,2013
facebook
share this

Jessy bano pa ring umarte, palalamunin ng alikabok ni Louise

Alex Brosas - December 26, 2013 - 03:00 AM


Women empowerment yata ang theme ng tatlong bagong soap operas ng Siyete na pinagbibidahan nina Marianita, Jennylyn Mercado at Louise delos Reyes.

Just saw the trailer of their respective soap and they’re pretty much intriguing. Of the three, ‘yung kay Jennylyn ang may pagka-suspense at parang tunay na naiiba.

Well, dapat lang dahil ito ang kanyang pagbabalik sa drama after a very long while. ‘Yung kay Louise naman ay ang pinaka-challenge sa GMA dahil tiyak na maikukumpara ito sa Dyesebel na sinasabing pagbibidahan ni Jessy Mendiola.

No offense meant to Louise, ha, pero we must admit na when it comes to beauty, she will pale in comparison kay Jessy, that is kung totoo ngang si Jessy ang magbibida sa Dyesebel.

But acting-wise, lalamunin niya nang buong-buo si Jessy, the starlet of all time na until now ay hindi pa rin marunong umarte kaya hindi pa rin nagre-rate ang kanyang soap na adaptation ng Mexicanovela ni Thalia.

Acting na acting naman si Marianita sa trailer ng soap niya. Medyo may pagkabano pa rin siyang umarte at halata ang agwat ng edad niya sa kanyang leading man na si Alden Richards.

Actually, wala naman silang chemistry dahil mukha silang magnanay. Hindi sila credible tingnan bilang lovers. Matanda na kasi si Marian. Makinis lang ang kanyang kutis kaya hindi nahahalata.

Helllooooooooo! Hindi ba’t mother roles na ang ginagawa niya dati sa ilang soap sa GMA tapos ngayon ipapareha siya kay Alden na parang anak na niya. Think!

Ang chikang umiikot, ang role raw ni Marianita ay isang napakagandang babae na magiging setback o problema pa ang pagiging maganda kaya maghihiganti yata siya sa mga umapi at nanggamit sa kanya.

Parang pinalalabas ng GMA na si Marian ang pinakamagandang artista ngayon, parang ganyan ang kanilang peg.
Naku, baka magalit ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa niyan!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending