KC walang arte sa laplapan nila ni Gov. ER, natakot kay Chito Rono
WALANG kaarte-arteng ginawa ni KC Concepcion ang buwis-buhay na mga eksena niya sa MMFF 2013 entry na “Shoot To Kill: Boy Golden” pati na rin ang kissing scene niya sa lead star ng pelikula na si Gov. ER Ejercito.
Siyempre, mag-inarte ba si KC sa direktor nilang si Chito Roño, di ba? Ha-hahaha! Siguradong hindi uubra ang pa-tweetums niya kay direk kung nagkataon. Ha-hahaha!
Sey ni KC, hindi naman daw mahalay ang halikan nila ni ER, lumabas daw itong makatotohanan, pumayag siyang makipaglaplapan sa gobernardor ng Laguna dahil kailangan naman daw talaga sa istorya.
“Hindi siya parang typical na kilig or ganyan. Parang makikita mo talaga yung character ko du’n na, ‘May something itong si Marla (karakter niya sa movie).
Tingnan mo ‘yan.’ Nakakatuwa,” chika ni KC na talagang palaban na bilang versatile actress. Kuwento nga ng anak ni Megastar Sharon Cuneta, maganda ang naging epekto sa kanya ng ginampanan niyang kontrabida role sa serye nila ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.
Dito raw sa “Boy Golden”, sa pagganap niya bilang si Marla. makikita muli ng publiko kung ano pa ang kaya niyang gawin bilang aktres.
“Masasabi ko po talaga na kasama ito sa growth ko bilang aktres. Siyempre, ayaw ko rin palagi yung pa-tweetums o pa-cute ang ginagawa.
“Siyempre, babalik at babalik ako doon sa wholesome image. Pero dito kasi, napaka-astig, nae-excite akong gawin siya,” chika ng actress.
Inamin ni KC na inaatake na rin siya ng sobrang nerbiyos sa nalalapit na showing ng kanilang MMFF entry starting Dec. 25, “Sobra po akong kinakabahan.
Marami po kaming makakasamang pelikula na iba-iba rin ang flavor. But of course, we hope for the best, dahil napakaganda rin po ng entry namin.”
Ipinagmalaki rin ni KC ang mga ginawa nila fight scenes sa movie na maikukumpara na sa mga Hollywood action movies, “Yung mga fight scenes namin ay astig, kasi yung nagturo sa amin, yung nagturo kay Angelina Jolie sa States.
May mga Pilipino rin na nag-supervise sa akin, nag-alaga sa akin, nagturo sa akin ng mixed martial arts. “So, marami ring mga astig na fight scenes para sa mga kalalakihan,” sey ni KC.
Sa mga nagsasabi naman na malaki ang posibilidad na siya ang tanghaling best actress sa filmfest ngayong ngayong taon, hindi naman daw uma-asa si KC.
Ang mapasama lang daw sa isang napakalaking pelikula kasama ang ilan sa pinakamagagaling na artista sa local showbiz at ang magkaroon ng entry sa MMFF ay isang napakalaking achievement na raw sa kanya.
“Kung sakali mang swertihin at manalo nga ako ng award for this movie, napakagandang Christmas gift na ‘yun para sa akin,” sey ni KC.
Showing na sa Dec. 25 ang “Shoot To Kill: Boy Golden” at makakasama rin dito sina Tonton Gutierrez, Eddie Garcia, John Estrada at marami pang iba.
For his part, sinabi ni Gov. ER na ang life story na naman ng isang gangster ang napili niyang isapelikula dahil ito raw ang gusto ng kanyang mga supporters, lalo na sa mga social media, “Mas gusto ng mga fans ko sa webpage ko na mag gangster ako kaya back to gangster ako…true-story gangster movies.”
“Si Boy Golden gangster from Tondo noong 1960s. Ang unang gumawa ng pelikula na ito si Lou Salvador Jr. Ang pangalawang gumanap si Rudy Fernandez.”
Inamin pa ni ER na meron talaga siyang fascination sa mga kilalang personalidad na taga-Tondo, “Madalas akong gumawa ng pelikula sa Tondo. Malapit ako sa mga tao sa Tondo, marami tayong kaibigan du’n.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.