UPLB rape-slay 'sarado' na; 2 arestado | Bandera

UPLB rape-slay ‘sarado’ na; 2 arestado

- October 14, 2011 - 03:55 PM

ITINUTURING ng mga awtoridad na lutas na ang kasong pagpatay at panghahalay sa estudyante ng University of the Philippines sa Los Banos, Laguna, matapos madakip ang suspek na security guard at tricycle driver. Nadakip ng mga elemento ng Laguna Provincial Police dakong alas-6 ng Biyernes ng uamaga si Lester Ivan Lopez Rivera, sa Floridablanca, Pampanga, ayon kay Supt. Dante Novicio, hepe ng Los Banos Police. Si Rivera, security guard ng isang bangko sa Los Banos, ay taga-Bay, Laguna, at may mga kamag-anak sa Pampanga. “Pinuntahan ‘yung bahay nung mga kamag-anak nung security guard, may mga kinatulong na mga tao para masundan ‘yung address nung kamag-anak niya (Rivera),” sabi sa Bandera ni Novicio nang kapanayamin sa telepono. Una dito, nadakip ng mga pulis alas-11 ng gabi Miyerkules ang tricycle driver na si Percival de Guzman. “May testigo tayo na nakakita na itong dalawang ito ang kumuha dun sa babae, ‘yung driver at ‘yung security guard… solved na ito,” ani Novicio. Kakasuhan aniya sina Rivera at De Guzman ng rape, homicide, at robbery. Ito’y matapos mapag-alaman ng mga awtoridad na nawawala rin ang ilang mahalagang gamit ng biktimang si Given Grace Cebanico, 3rd Year BS Computer Science student ng UPLB at taga-Binangonan, Rizal. Pauwi si Cebanico sa kanyang dormitoryo mula sa isang group study Martes ng umaga nang harangin ng mga salarin. Patay na, nakaposas, may tama ng bala sa likod, at may mga tanda pa ng panghahalay nang matagpuan ang dalaga. – John Roson

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending