Edgar Allan ‘itinakas’ ang dyowang youngstar | Bandera

Edgar Allan ‘itinakas’ ang dyowang youngstar

Reggee Bonoan - December 12, 2013 - 03:00 AM


MUKHANG mahigpit si Edgar Allan Guzman dahil hindi niya binigyan ng pagkakataong mainterbyu ng ilang  press ang girlfriend niyang si Shaira Mae na produkto ng Artista Academy ng TV5.

Isa si Shaira Mae sa panauhin sa bagong bukas na beauty clinic na Finessa Aesthetica na pinamamahalaan ni Jowee Suarez (sa 26 Scout Tobias, Timog, Q.C.) kamakailan kasama sina Chanel Morales, at ang endorser ng clinic na si Angel Arida na taga-Star Magic.

Nagtaka kami kasama ang ilang katoto na pagkatapos ng ribbon cutting at picture taking ay agad nang dumating si Edgar Allan at sinundo ang dyowa. Inisip na lang ng lahat na baka inililihim ng dalawa ang kanilang relasyon.

Pero, hello, bukelya na sila noon pa. Going back to Finessa Aesthetica, nalaman naming ayaw magpakilala ng may-ari nito dahil low-profile raw bukod siguro sa may day-job siya ay may posisyon pa.

Ang kapartner nitong nursing graduate cum businesswoman ang nakatsikahan namin, si EJ or Erika Joyce na sa edad 28 ay marami na palang negosyong itinayo.

Aminado si EJ na hindi madaling magtayo ng business, “Mahirap ang pera ngayon, kaya kung nalugi ang isa, e, di may isa ka pa, kaya marami akong negosyo bukod do’n I’m also working as an employee para may regular income.”

Ang pinanggalingan ng puhunan ni EJ ay galing sa namana niya sa tatay na kamamatay lang at aminadong sobra siyang devastated nang mawala ang ama.

“Lahat ng bisyo ginawa ko, I’m into drinking, smoking, kaya tumaba ako ng ganito, before my waistline is 24 inches, now it’s 32 na. Ha-hahaha! Kaya I challenged myself to put up Finessa Aesthetica para mapilitan din akong gamitin.

May beauty salon din si EJ sa may E. Rodriguez at sa may Kalentong, Mandaluyong, “Lahat kasi ng beauty salon ngayon, pataasan ng presyo, for me, dapat mas mababa para pasukin ka, kikita ka naman maski mura kasi by bulk naman ang pasok ng customer at magagaling at magagalang ang staff ko.

“Ako kasi, personally kapag nagpupunta sa ibang salon, gusto ko maayos at magalang ang staff at siyempre mura, pero ‘yung iba hindi, so naisip ko, magtayo ako ng affordable para makapag-employ din ako at makatulong sa ibang tao.”

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending