Binoe tuloy na ang pagbabalik sa Kapuso network | Bandera

Binoe tuloy na ang pagbabalik sa Kapuso network

Dinno Erece |December 11,2013
facebook
share this

Binoe tuloy na ang pagbabalik sa Kapuso network

Dinno Erece - December 11, 2013 - 03:00 AM

Hinihintay na sa Adarna ang cameo ni Robin Padilla. Tuloy na tuloy na pala ang guesting ni Binoe sa first title role primetime soap ng kaniyang anak na si Kylie Padilla na Adarna sa TeleBabad.

Bale ito ang pasasalamat ni Binoe sa GMA dahil one, binigyan na ng solo primetime soap ang dalaga niya, title role pa, and two, na may action sequence si Kylie, something both father and daughter want to do dahil sayang naman daw ang mga martial arts na pinag-aralan ni Kylie through the years kung puro drama lang ang gagawin ng dalaga.

Scheduling na lang ang inaayos because Binoe has an MMFF 2013 movie to promote, ang “10,000 Hours” directed by Joyce Bernal na by the way ay super impressed kami sa trailer pa lang dahil slick ito at halatang may shooting permit sa Amsterdam dahil wide screen ang halos lahat ng shots sa nasabing bansa at extensive ang action shots doon including the famous canal and the canal boats and the train system so alam mong hindi lang ito patago-tago sa shooting.

Meanwhile mamaya sa Adarna, magkikita sina Falco at Ada. Magkakamalay si Ada at hahanapin si Lupe. Pipigilan siya ni Falco ngunit magpupumiglas si Ada.

Mapipigilan lang siya dahil sa biglang pagsakit ng kanyang likuran, hudyat nang nalalapit niyang pamumukadkad.
Samantala, hindi naman nakatakas naman sina Lupe at Talisay. Dinala sila ni Garuda sa Puno Kulungan bilang mga bihag.

At upang parusahan si Lupe ay pinainom ito ni Garuda ng isang itim na likido na magtatanggal sa kanyang kapangyarihan bilang Adarna.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending