One on One: Dingdong Welcome sa DOS | Bandera

One on One: Dingdong Welcome sa DOS

|September 18,2011
facebook
share this

One on One: Dingdong Welcome sa DOS

- September 18, 2011 - 02:51 PM

NI JULIE BONIFACIO
BUMUBUHOS ang malakas na ulan nu’ng dalawin namin ang first shooting day ni Dingdong Dantes with the Queen of All Media na si Kris Aquino sa “Segunda Mano” sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. Isa ito sa official entries sa 2011 Metro Manila Film  Festival sa December.
Isang tuhog-tuhog na maulang eksena ang kinunan ni direk Joyce with Kris and Dingdong. Inabot ng dinner break ang shooting kaya nagkaroon kami ng chance na makatsikahan ang bagong leading man ni Kris.Narito ang buong one-on-one interbyu namin kay Dingdong sa set ng “Segunda Mano.”

B:  Kumusta ang first day shooting n’yo ni Kris?
DD: Ah, una palang bumubuhos na talaga ang ulan. So, we’re thankful na lahat ay nagko-cooperate pati ang ulan na dapat, e, fake rain pero totoong ulan ang dumating. ‘Yun, we’re very thankful and excited.

B: Nanibago ka ba sa mga taong katrabaho mo ngayon sa set since first time mong gagawa ng pelikula under Star Cinema?
DD: Oo, nakakapanibago. Pero siyempre lahat naman tayo, e, so into this, e. Kaya pare-pareho lang siguro kami ng nararamdaman.

B: So far, satisfied ka ba sa nakikita mong working system sa ginagawa n’yong movie?
DD: Ah, oo, sobra. Sobrang nagpapasalamat din ako kasi I felt very welcome sa kanila.

B: May naramdaman ka ba na medyo strange sa ‘yo sa set?
DD: Nothing. Actually, nothing. Siguro ‘yun lang, not so familiar faces but very warm and very accommodating.

B: Paano ka nag-adjust?
DD: Well, hindi ko pa masasabi na nakaka-adjust na ako 100%, pero syempre still trying to adjust pa rin.

B: Kumusta naman ang first experience mo working with the Queen of All Media?
DD: Ah, maganda kasi eto pa lang ‘yung first meeting namin. So, doon mag-uumpisa kung ano ang kahihinatnan ng buong pelikula.

B: Ano ang initial impression mo kay Kris sa set ng “Segunda Mano?”
DD: Ah, in character na talaga, sobra. Ang bilis, ang galing. Ang bilis mag-shift, so, ang galing!

B: Ano ang role mo sa movie?
DD: Ako ‘yung makikilala niya along the way at magkaka-struggles kami because of an unfinished past. So, ‘yun muna siguro ang masasabi ko ngayon.

B: Nu’ng una nabalitaan namin na nagkaroon ng ‘di pagkakasundo sa role mo base sa original script ng “Segunda Mano.” Ayaw mo daw kasing pumayag na medyo dark ang character mo sa movie. Naayos na ba ‘to?
DD: Hindi lang, hindi lang ‘yun. At hindi rin naman siya problema. Mas pinaganda lang, inayos. Gumanda, lahat-lahat. ‘Yung buong character, ‘yung buong istorya. Pero panoorin na lang nila.

B: Makakatapat n’yo sa filmfest ang horror movie ring “Shake, Rattle & Roll 13” ng Regal Films. May takot factor ba ‘to sa inyo sa box-office?
DD: Well, actually, lahat naman kami are up against each other. Pero kanya-kanyang flavor ‘yan, e. Eto ibang horror film itong sa amin. Iba rin ‘yung ‘Shake.’ Marami d’yan may fantasy pa at kung anu-ano pa.

B: Is it true na part ng agreement kaya ka pinayagang gumawa ng movie with Kris sa Star Cinema ay dahil gagawa rin ang Queen of All Media sa GMA Films?
DD: That’s also one reason. Pero hindi pa alam kung kailan. Pag-uusapan pa namin.

B: Suportado naman ni Marian Rivera ang pagtatambal n’yo ni Kris?
DD: Yes,  in fact, ‘yung suporta namin sa isa’t isa matindi. Nag-good luck siya sa akin nu’ng first shooting day namin.

B: Sabi ni Kris, kilala siya ni Marian kahit nu’ng ‘di pa siya sikat. True ba?
DD: Ah, oo. Mas una silang naging close ni Kris bago kami.

B: Kaya posibleng ‘di raw aawayin ni Marian si Kris gaya ng iniisyu sa kanya na mahilig daw tarayan ang mga nakakapareha mo?
DD: Hindi totoo ‘yun. Nagkakataon lang ‘yun. Ako, I can vouch for that. Hindi totoo ang mga nababalita.

B: Pwede bang ma-in love ang isang Dingdong Dantes kay Kris Aquino?
DD: Alam mo may mga nakalaan talaga na tao at makikilala mo along the way, e. And that is why ‘yung character ko, e, talagang nakilala siya dahil kinailangan nila ang isa’t isa para mabuo ang isang puzzle na hindi namin mareso-resolba sa buhay namin. So, ‘yung mga ganu’n talaga, e, malaking posibilidad and it happens in real life.

B: So, pwede ring mangyari sa inyo ni Kris lalo na single naman ang actress-TV host?
DD: Oo naman, I mean, ah, wala namang imposible sa ganu’n. But what like she said, e,  hindi naman niya ‘yun priority ngayon kundi ang pagtatrabaho and same ako rin. Doon magkakasundo kami sa aspetong ‘yun.

B: Since magkaibigan naman sina Kris at Marian, pwedeng dumalaw si Marian sa set ng movie n’yo ni Kris?
DD: Of course, everyone is welcome all the time.

B: Kahit ang nali-link din kay Kris na si Diether Ocampo pwedeng dumalaw sa set?
DD: Of course. Everyone is welcome.

B: Ano ang ie-expect ng viewers sa movie n’yo ni Kris?
DD: Na siguradong matatakot talaga ang mga manonood. Na paglabas nila ng sinehan, e, hindi sila magsisisi.
B: Ano naman ang worst expectation mo kung meron man?

DD:Wala naman. Siguro pagod lang but that’s part of it and gusto ko ‘yung ganu’n.

B: What do you like about Kris?
DD: Of course her dedication sa craft niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

B: How true na ipinaglaban mo raw si direk Joyce na siyang mag-handle ng movie n’yo ni Kris?
DD: Hindi, hindi kailangang ipaglaban. Nu’ng oras mismo na sinabi ko nag-agree agad kami si Kris. Talagang immediately okey kaming lahat. So, walang ganu’ng nangyari. So, talagang destined na mapunta siya sa amin.

B: Paano mo ipo-promote ang movie?
DD: Ayun, ang hindi ko pa alam. I can promote in GMA and of course, she can promote sa ABS-CBN. But if ever, looking forward din ako na makapag-promote sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending