Andi: Hindi naman ako boba para makipagbalikan kay Albie Casino!
GALIT na galit si Andi Eigenmann sa chikang nagkabalikan sila ng ama ng kanyang anak na si Albie Casino. Na-offend daw siya sa mga naglabasang artikulo sa internet at sa ilang dyaryo tungkol sa diumano’y “reconciliation” nila ng aktor.
Sa Twitter account niya unang naglabas ng sama ng loob si Andi, aniya, “I love my job. I love being in this industry. Its beautiful. But its hard not to talk when its affecting my personal life too.”
At Sa Buzz Ng Bayan noong Linggo itinuloy ng aktres ang kanyang paliwanag, ayon sa kanya, kahit daw maging magkaibigan pa sila ni Albie, hinding-hindi na niya ito babalikan pa.
“I personally found the article very disgusting and very disrespectful for women. It wasn’t me but people were saying that it was me. I kind of felt offended so I just felt the need to defend myself,” chika ng anak ni Jaclyn Jose.
“Hindi po (kami nagkabalikan). Hindi po talaga! Kahit maging friend ko ‘yun no way in hell naman na magkakabalikan kami no’n. Hindi naman ako stupid. We’re not friends. We’re not enemies.”
Sey pa ng dalagang ina, hindi raw siya tanga o boba para makipabalikan pa sa lalaking nang-iwan sa kanila ng kanyang anak na si Adrianna Gabrielle.
At kaya raw galit na galit siya sa balita dahil hiyang-hiya siya sa kanyang rumored boyfriend ngayon na si Jake Ejercito dahil ito pa raw ang nagpabasa sa kanya ng tungkol kay Albie, “Siya po kasi ‘yung nagpabasa sa Akin nu’ng article.
‘Di po niya ako tinanong. Sinend niya lang po sa akin ‘yung article.” “Masakit po ‘yun na hindi alam ng tao kung dapat ba akong paniwalaan o hindi.
Pero ginagawa ko naman po lahat ng makakaya ko eh. So, sana malaman niya po na…sana po he will be smart enough to know who to believe because masakit lang na hindi alam kung sino ‘yung papaniwalaan kasi,” naiiyak nang paliwanag ng aktres.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.