Fast & The Furious star Paul Walker patay sa aksidente | Bandera

Fast & The Furious star Paul Walker patay sa aksidente

Ervin Santiago - December 02, 2013 - 03:00 AM


NA-SHOCK ang lahat ng fans sa buong mundo ng Hollywood star na si Paul Walker sa biglaan nitong pagkamatay kahapon matapos sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang poste sa San Clarita, California, USA.

Kahapon, nag-trending worldwide ang pagkamatay ng 40-year-old action star na nakilala at sumikat nang husto sa pelikulang “Fast And The Furious”.

Pero una nga naming nagustuhan si Paul Walker sa pelikulang “Into The Blue” noong 2005 na tumatalakay sa isang experiment tungkol sa mga pating.

Base sa mga paunang ulat, nawalan ng kontrol ang driver ng sinasakyan ni Paul at sumalpok sa  isang poste saka sumabog at nasunog. Namatay din ang nasabing driver.

May kuneksiyon ang biglaang pagkamatay ni Paul Walker sa mga Pinoy dahil ayon nga sa mga ulat, naganap ang aksidente habang nasa isang car show ang Hollywood actor na in-organize ng ilang kaibigan niya sa Amerika para makatulong sa relief mission sa Visayas region na sinalanta ng super typhoon Yolanda.

Ayon sa isang report na nabasa namin sa isang website, “Sources close to Paul tell us he was in Santa Clarita for a car show to support the Philippines typhoon relief effort, and had been taking friends out for rides in his new Porsche GT.

The accident happened during one of those test spins.” Kasalukuyang ginagawa ni Paul Walker ang ang ikapitong installment ng pelikulang “Fast And The Furious” at kamakailan lang ay gumawa pa ang aktor kasama ng iba pa niyang co-stars sa pelikula ng isang video message para manawagan ng tulong sa mga nasalanta ni Yolanda.

Magsimula ang film career ni Paul noong 1986 horror/comedy film na “Monster In The Closet”. Pero ang talagang nagpasikat sa kanya ay ang role niya bilang Brian O’Conner sa “The Fast and The Furious” (2001).

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending