Charice hiyang-hiya sa walang tigil na pag-aaway ng nanay at lola | Bandera

Charice hiyang-hiya sa walang tigil na pag-aaway ng nanay at lola

Jobert Sucaldito - December 02, 2013 - 03:00 AM


Nagkakagulo na naman sa pagitan nina Mommy Raquel Pempengco at ina nitong si Lola Tess. Meron na naman silang isyu at si Charice na naman ang sentro ng alitan.

Na kesyo naghihirap na raw si Charice at tanging ang ina lang daw nitong nagsilbing production assistant niya ang may ipon pang natitira.

Nagbenta na raw si Charice ng bahay nito sa Tagaytay, samantalang ang nanay daw nito ay may boutique na. Nalulungkot ako sa mag-anak na ito.

Hindi ko mawari kung anong klaseng mag-ina sina Mommy Raquel and Lola Tess, kung meron ba talagang nabuong pagmamahalan sa kanilang dalawa sa simula pa lang.

Palagi na lang silang nagbabangayan at ang palaging involved na isyu ay pera. I cannot imagine their kind of life.
No offense meant sa kanila, pero nakaka-turn off ang mga drama nilang dalawa, palagi na lang kabuhayan showcase ang issue nila at kawawa palagi si Charice dahil siya ang nakakaladkad sa hidwaan ng ina at lola nito.

So sad! Really sad! Buti na lang nandiyan lang si Alyssa Quijano para damayan siya. Kailan ba talaga sila titigil sa mga sarili nilang issue? Pag tuluyan nang malaos si Charice at wala nang maipakain sa kanila?

Sumbatan sila nang sumbatan – murahan nang murahan – siraan nang siraan. Hindi ba nila naisip na ang nababalikan ng hindi magandang imahe nila ay mismong si Charice? Mag-ina silang tunay, di ba?

Bakit hindi sila magkasundo at magkaunawaan? Magkakasundo ng 15 minutes ‘tapos magkakagulo ng another 30 minutes, then, bukas-makalawa ay magkakaayos na naman and after an hour ay balik-bangayan.

What kind of people are they?  Parang kami na ang nahihiya for Charice. You can just imagine kung ano ang nararamdaman ni Charice sa mga oras na ito, ang laking kahihiyang inaabot niya sa mismong pamilya niya.

Kaya hindi niyo na siguro masisisi ang bata kung tuluyan nang lumayo ang loob nito sa kanila. Hay naku, nakakapagod na rin silang mag-nanay. Palagi na lang silang nasa headline, buti sana kung positive kaso hindi eh. Nakakaloka!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending