Lino Cayetano kinampihan ng korte sa isyu ng ‘residency’ para sa eleksyon

Lino Cayetano
BAGO nagsimula ang pa-mediacon ng Regal Films producers na sina Roselle Monteverde at anak nitong si Atty. Keith Monteverde para kay Direk Lino Cayetano ay pabiro niyang sinabi sa amin, “Magsusumbong na ako sa media friends ko sa showbiz.”
Malapit kasi si Direk Lino sa entertainment media dahil noong nagsisimula pa lang siya ay talagang nakikipagkuwentuhan sa lahat at inamin niyang bagito siya sa pagdidirek kaya sana bigyan siya ng chance at pagbubutihan daw niya.
Through the years ay consistent si Direk Lino sa pagiging warm sa entertainment media kahit matagal siyang hindi nakita dahil busy ay hindi nawala ang connection niya sa mga ito.
Kaya nang humarap na si Direk Lino Edgardo Schramm Cayetano sa harap ng entertainment media at vloggers ay siya na ang nag-open na, “Parang telenovela ang pinagdadaanan ko pagbalik sa politika.”
Hindi na kasi siya suportado ng kanyang kuyang senador na si Allan Peter Cayetano dahil sinusuportahan nito ang makakatunggali niya sa pagka-congressman ng 1st district ng Taguig City sa darating na halalan sa Mayo, 2025.
Bukod dito ay isa pang pinagdaraanan isyu ng direktor ay ang troll farm na inakusahan siyang hindi siya legit na naninirahan sa 1st District ng Taguig-Pateros.
Matatandaang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ni dating Taguig mayor Lino Cayetano na ilipat ang kanyang voter registration mula sa congressional District 2 sa District 1 ng lungsod.
Nitong Lunes, Pebrero 17 lang naglabas ng saloobin niya ang direktor sa entertainment media kasabay ng paglabas ng desisyon ng korte na pinatunayang residente siya at ang kanyang asawang si Fille Cayetano sa 1st District ng Taguig-Pateros kung saan siya kumakandidato bilang kongresista.
Narito ang bahagi ng official statement na ipinost ni Direk Lino sa kanyang Facebook account kahapon, Pebrero 18, “Taguig Court Affirms Residence of Spouses Lino and Fille Cayetano in the First Disttrict of Taguig-Pateros.”
Aniya, “Lubos naming ipinagpapasalamat na kinilala ng Korte ang katotohanang kami ay tunay na residente ng Unang Distrito ng (Taguig-Pateros).
“Malugod naming tinatanggap ang desisyon ng Korte ng Taguig na pinagtitibay ang aming paninirahan sa Barangay Ususan at kinikilala ang aming Karapatan bilang mga lehitimong residente at rehistradong botante ng Unang Distrito ng Taguig-Pateros.
“Ang hatol na ito ay hindi lamang nagtataguyod ng aming constitutional na karapatang bumoto kundi pati na rin ang pangunahing prinsipyo na ang bawa’t mamayan ay may kalayaang pumili ng kanilang tirahan.
“Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa amin kundi para rin sa bawa’t botante na may karapatang lumahok sa demokratikong proseso nang hindi pinagdududahan o ipinagkakalat .
“Kinilala rin ng Comelec ang pagiging lehitimo ng aming kandidaduta na nagsisiguro na ang aking pangalan ay nararapat na kasama sa opisyal na balota. Isa itong patunay ng aming dedikasyon na maglingkod sa Taguig at pateros nang may integridad at tapat paninindigan.”
Nang ikuwento ni dmDirek Lino na baka matatagalan pa ang sagot ng korte tungkol sa residency niya ay hindi naman siya gaanong kabado dahil kasama na ang pangalan niya sa balota at nangyari na nga kahapon base sa official statement na inilabas nitong Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.