Lino mala-teleserye ang plot twist sa muling pagsabak sa politika

Lino Cayetano mala-teleserye ang plot twist sa muling pagsabak sa politika

Ervin Santiago - February 19, 2025 - 11:47 AM

Lino Cayetano mala-teleserye ang plot twist sa muling pagsabak sa politika

Lino Cayetano, Dimples Romana at Iza Calzado

PARANG plot twist sa isang teleserye at pelikula ang naging takbo ng mga eksena sa pagbabalik ng direktor at producer na si Lino Cayetano sa mundo ng politika.

Tatakbo bilang kongresista ng Taguig si Direk Lino sa darating na May, 2025 midterm elections pero ngayon pa lang ay iniintriga na siya sa kanyang kandidatura.

Sey ni Direk Lino, maikukumpara sa isang telenovela ang nangyayari sa kanya ngayon matapos ihayag ng kanyang kapatid na si Sen. Alan Cayetano na iba ang susuportahan nitong kandidato.

Na-shock ang direktor sa naging desisyon ng kapatid sa kabila ng pagbibigay-daan niya (ng dalawang beses) sa pagtakbo ng kanyang hipag na si Lani Lopez Cayetano bilang mayor ng Taguig City noong 2022 at ngayong 2025.

Inaasahan na raw niya ang suporta ng kapatid na senador sa pagtakbo niyang congressman pero iba nga ang nangyari dahil ang kalaban niya ang ikakampanya nito.

Baka Bet Mo: Heaven Peralejo walang keber kung tawaging ‘sexy star’; Rein Entertainment pinaplano na ang part 2 at 3 ng ‘Nanahimik Ang Gabi’

“Naniniwala ako na maganda ang intensyon namin pareho ni Mayor Lani at Kuya Alan, pero may mga tao talagang may sariling ineres na pilit kaming pinag-aaway.

“Kilala ako bilang independent-minded sa aming magkakapatid at hindi basta-basta sumusunod, pinag-aaralan ko ang bawat desisyon ko,” sey Direk Lino sa panayam sa kanya ng entertainment media kamakailan.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit hinangaan ang Taguig noong kasagsagan pandemya at tinagurian pang Model City ng DOH, MMDA, at ng private sector.

Bukod sa mga health centers at drive-thru testing, nanguna ang Taguig sa pagbabakuna at naging isa sa mga nanguna sa pagbabalik ng mga sinehan at pagbangon ng industriya ng entertainment.

Sa industriya ng pelikula, kilala si Direk Lino bilang isang producer na naniniwala sa partnerships. Ang kanyang Rein Entertainment ay nakipag-partner na sa ABS-CBN, iflix, GMA, Viva, at ngayon, sa pelikulang “Caretakers” kasama ang Regal Entertainment.

“Naniniwala ako sa kahalagahan ng partnerships. Noong panahon ng pandemya, naging partner ko ang ilang mga mayor na hindi ko kasama sa politika.

“Bilang producer, saksi ako na kahit ang mga magkakaribal na produksyon ay nagsama-sama para sa ikabubuti ng nakararami,” pahayag ni Direk Lino.

Tulad ng kanyang upcoming horror movie na “Caretakers”, na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana, mula sa direksyon ni Shugo Praico, naniniwala si Direk na sa huli, lahat tayo ay dapat na lamang
magtulungan.

“Kasi lahat ng ginagawa natin, ginagawa natin hindi lang para sa atin, kundi para sa susunod na henerasyon,” sey pa ni Direk Lino na suportado ng mga kaibigan niya sa showbiz tulad nina Kim Chiu, Paulo Avelino at Ian Veneracion.

Samantala, nag-post naman ang direktor sa Facebook tungkol sa politika sa Taguig. Narito ang buong pahayag ng filmmaker at producer.

“Umiikot na ito ngayon, sa mga kasama ko mga empleyado, mga nautusan, mga naabutan.  Picturan nyo po and dm sakin.

“Madami na kami mga pangalan and litrato ng mga nag iikot ng black propaganda, kasinungalingan at fake news.  Napaka dumi talaga ng politika – kaya mga mga mabubuting tao – ayaw sa gobyerno.

“Yan talaga ang gusto ng mga taong nasa likod nito. Mas madali kausap kasi ang mga trapo. May kalakarang nasanayan.

“Di bale uungakatin natin ito. Dahil napaka linaw na – may mga malalaking tao na may prinoprotektahang malaking interes ang ayaw tayo magkaboses sa Congreso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pinag aaway ang mga Cayetano para sa sariling interes. Di bale patuloy natin ipaglalaban ang malakas na boses para sa Taguig at Pateros.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending