KRIS: Kung ang PRESIDENTE nga kayang magkaroon ng private life, ako pa kaya?
Ayaw umamin kung si Lino Cayetano ang bagong manliligaw
MALAPIT nang mag-expire ang kontrata ni Kris Aquino sa ABS-CBN, pero nalaman namin na may offer na agad ang network para sa renewal nito.
Sa presscon ng Pilipinas Got Talent kamakailan, sinabi nga ni Kris na may offer na sa kanya ang ABS para sa pagpirma niya uli ng kontrata, “It’s my last nine months existing contract of ABS-CBN, I want to make it more meaningful para sa renewal super triple ang ibabayad sa akin! Ha-hahaha!” tawa nang tawang sabi ng Queen of All Media
Kaya feeling naman namin, kahit na anong mangyari, ay hinding-hindi siya pakakawalan ng ABS-CBN at nagbiro pa nga siya na matagal ng may offer ang network na mag-renew siya, “Matagal na silang nag-offer, nagi-ipon sila ng pambayad sa akin.
Ha-hahaha!”
Na-curious tuloy kami bossing Ervin kung ilang milyones ba talaga ang involved sa guaranteed contract ni Kris sa ABS-CBN.
Samantala, nakiusap naman si Kris sa press na huwag na siyang tanungin kung sino ba talaga ang lalaking nagpapasaya sa kanya.“Ayaw kong mag-name ng names.
Honestly, when I name anybody, I get a barrage of kanegahan about that person.
Siyempre, I’m the only one who gets to read it.
So, parang feeling ko, ang daming kontra sa kaligayahan ko—whoever it is, ha.
Kung anu-ano ang sinasabi, nakita kasama ni ganito, ganyan,” pahayag ng TV host-actress.
Tinanong kung si direk Lino Cayetano ba ang tinutukoy niya na tumatakbo ngang kongresista para sa May elections, “Alam mo, si Direk Lino, nabiktima din ng madaming tweets kaya huwag na please. Kawawa naman siya.
Tumatakbo siya. He doesn’t deserve that,” sagot ni Kris.
“Naaawa lang talaga ako sa kanila kasi it’s so unfair.
Parang hinuhubaran ang buong pagkatao nila…true talaga, and it’s not fair for somebody who didn’t ask for this life.
As much as possible talaga, hindi ko siya pag-uusapan kasi kawawa naman siya.
“Kung ang presidente nga kayang magkaroon ng private life, ako pa kaya?” pahabol ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.