10 pasasalamat | Bandera

10 pasasalamat

- September 12, 2011 - 02:56 PM

SAMPUNG taon na ang Bandera sa Inquirer, kaya Inquirer Bandera.

Sa Sampung taon masagana sa Inquirer, marapat na pasalamatan ang Panginoon, ang may lalang ng lahat, ang giya’t patnubay sa tama.

Salamat sa aming mambabasa, sa edisyong Luzon, Visayas at Mindanao, na hindi kami iniwan, bagaman ang “hilig” ng ilan ay nilinis na at pinalitan ng pangkabuhayan.

Salamat sa mga dealer, newsboy, tindera sa bangketa’t sari-sari store, na walang palyang dala ang Inquirer Bandera para makarating lamang sa aming mahal na mambabasa.

Salamat sa advertisers, na parami at walang sawang tumatangkilik sa Inquirer Bandera.

Salamat sa tagapaglimbag, ang FEP Printing, na may mahuhusay na planta sa Makati, Laguna, Cebu at Davao City, para mailathala araw-araw ang tatlong edisyong Luzon, Visayas at Mindanao.

Salamat sa mga patnugot, reporter, photographer, correspondent, Inquirer News Service at contributor, na araw-araw ay sumasala ng mga balita’t pitak  mula sa labas para ihatid sa mambabasang madla.

Salamat sa lahat nating mga kolumnista, sa kanilang matatalim na pagsusuri, puna at pagiging una sa balita’t pagkilatis sa showbiz, na na-ging bahagi na ng pangangailangan at pamumuhay ng ating mambabasa.  Salamat sa “koponan” ng sports, ang bigkis na pagbabalita’t panunuri ng ating mga patnugot, reporter at natatanging kolumnista, na sa ika-10 taon ay nagluwal ng bagong susundan ng bayang karerista, ang 1st Inquirer Bandera Cup.

Salamat sa ating tapat na mga kawani na araw-araw ay naglalatag ng mga pahina para mabuo ang pahayagan; at masisipag na opisyal at kawani sa mga departamento ng HR, advertising, circulation, finance, marketing, credit and collection, general services, kabilang na ang butihing mga guwardiya.

At ang ika-10, ang aming labis at taus-pusong  pasasalamat sa pagtangkilik at pag-aruga ng pamilya Prieto.  Maraming salamat Marixi R. Prieto, Sandy P. Romualdez, at butihing ikalawang pangulo, Imee Alcantara.  Dahil sa kanila, narating namin ang 10 taon; at hihigit pa, nang dahil din sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending