Bossing pinipilit ni Tetay na lumipat sa ABS; hindi raw magsisisi sa tatanggaping talent fee | Bandera

Bossing pinipilit ni Tetay na lumipat sa ABS; hindi raw magsisisi sa tatanggaping talent fee

Reggee Bonoan |November 30,2013
facebook
share this

Bossing pinipilit ni Tetay na lumipat sa ABS; hindi raw magsisisi sa tatanggaping talent fee

Reggee Bonoan - November 30, 2013 - 03:00 AM


Nadulas si Kris sa question and answer portion ng presscon na posibleng magkasama sila ni Vic sa isang sitcom kapag pumayag na ang aktor na makipag-meeting sa ABS.

“He’ll kill me, magagalit sa akin si Vic. Ano kasi, ang unang nagsabi si tita Cory Vidanes, way back, I don’t know if you remember, 2002 ata ‘yun, nag-guest si Vic sa Game KNB? and it was one of the highest episodes nu’ng time na ‘yun, tapos nag-meet na sila ni tita Cory para gumawa sana siya ng sitcom sa ABS at ano na talaga and it has fallen into place, tapos, nagkaroon ng re-negotiation with GMA, e, tinapatan, so hindi natuloy ‘yung sa ABS kahit naka-dalawa o tatlong meeting na.

“So nu’ng naki-meeting ako with tita Cory para sa TV rights nito (My Little Bossings), siya ang nagpaalala, sinabi niya na, ‘Please remind Vic na 11 or 12 years ago, hinintay ko na, baka naman ngayon, puwede na.

E, sabi ni Vic, ‘Puwede ba Kris, tapusin muna natin ‘to (pelikula nila), mamaya na lang ‘yan.’ Tapos sabi ko, ‘They’re (ABS) gonna pay you a lot.’ Tapos sabi niya (make face), ganu’n, ibang-iba relax kaya lumugar ako, sabi ko, ‘Sige kung kailan ka na lang ready.’

“Kung ayaw niya, okay lang, kasi he’s (Vic) free, eh. Wala naman siyang network contract or with anybody, so with Ryzza is free, wala ring network contract, at ipinaalam ko rin kay tita Cory na, sabi ko kung wala naman ako ro’n (GMA) si Bimb, ibigay ko na lang sa kanila kasi itong grupong ito ang sumubaybay sa paglaki niya.

“At marunong si Vic kasi ng mapanood niya (My Little Bossings), sabi niya, ‘Congratulate Bimb for me.’ Kasi ‘yung pinagpe-pray daw niya na mangyari ay nalagpasan daw no’ng napanood niya.

“Kaya umiyak ako nu’ng binabasa ko ang text na pinupuri ang anak ko,” pagtatapat ni Kris. Natanong din kung pumirma na ng panibagong kontrata si Kris sa ABS-CBN pero nag-smile lang siya at may mga hinihiling pa raw siyang spots para sa promo ng movie nila.

“Ayokong pag-usapan, bawal pa gusto ko munang promote muna nila ang ‘My Little Bossings’. Ha-hahaha!” anang TV host.
“Saka ano, si Boy (Abunda) kasi nagsabi na, ‘Make sure you have enough cash that you can walk away from anybody.’ So, medyo tinown-down ko ang luho sa katawan.

“Kaya kapag wala na ako sa TV mabubuhay naman sila (mga anak) not lavish as we are now, but they will survive,” pag-amin ng TV host.

Anyway, ngayon palang ay curious na ang marami sa “My Little Bossings” dahil sa tambalang Ryzza Mae at Bimby na mapapanood na sa Dis. 25 mula sa direksyon ni Marlon Rivera.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending