Bossing Vic trip nang buntisin si Pauleen: Mas maigi kung kambal! | Bandera

Bossing Vic trip nang buntisin si Pauleen: Mas maigi kung kambal!

Julie Bonifacio |November 30,2013
facebook
share this

Bossing Vic trip nang buntisin si Pauleen: Mas maigi kung kambal!

Julie Bonifacio - November 30, 2013 - 03:00 AM

Last time we wrote an item regarding sa picture na nakita namin sa Facebook account ni Vic habang nilalaro si Ryzza sa loob ng pool sa set ng movie, kitang-kita roon ang pagkahilig ni Vic sa bata at we noted na ‘di kaya gusto na rin ng komedyante na magkaroon uli ng sarili niyang baby.

“Ang dami ko ngang baby, e, eto,” sabay yakap niya kay Aiza sa kanyang tabi. Sabi namin, may sarili nang  “baby” si Aiza ngayon, “Ay, hindi. Baby ko pa rin ‘to.

Kahit ano’ng mangyari,” tawa ni Vic. So, gusto  ba niyang magka-baby ulit? “Kapag biniyayaan, why not? Oo naman.”
Boy or girl? “Kahit ano. Kahit kambal, mas mabuti.”

May tsika na nagpaplano na raw sila ng girlfriend niyang si Pauleen Luna na magkaanak, “Alam mo ‘yung mga plano sa buhay lagi namang nandiyan, e.

Kaya ka nakikipagrelasyon hindi lang dahil trip mo lang ‘no, pero dahil meron kang long-term planning na hindi ko naman pwedeng itanggi na wala kaming plano to settle or to get married in the future.

Pero kung darating ‘yun, kung may definite plans, kayo ang unang makakaalam niyan definitely. “Everybody’s looking forward daw sa pagkakaroon ng baby.

Hindi raw niya ide-deny kapag nagka-baby sila ni Pauleen, “Hindi na uso ngayon ‘yun. Like what I said noong mga nakaraang buwan, what you see is what you get.”

Tinanong namin si Vic kung nakikita ba niya sa future niya na ikinakasal sila ni Pauleen, “Wala namang masama doon. Kung darating doon okey.”

Marami raw silang napag-uusapan ni Pauleen. Marahil isa na ang ang pagpapakasal. Kaya tinanong ulit namin siya kung meron ba silang dream wedding ni Pauleen, “Kapag  nagpaplano na, tawagan kita, ha.

Eto ‘yung dream wedding ko. Ha-hahaha!” Kung siya raw ang masusunod, ang gusto niya ay simpleng kasalan lang.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending