Aljur, Allan K, Gladys di maramot, suportado si Michael Pangilinan
SIYA na nga! I mean, siya na ang tunay na Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala dahil ang kaniyang self-titled album under Star Records ay hanep ang bentahan sa record bars.
Panalo rin ito sa airplay, lalo na ang carrier single niyang “Kung Sakali” lalo na sa Love Radio, Star FM and MOR where it placed second sa record charts.
“Nakakatuwa pala ‘Nay pag narinig mo ang song mo sa radio, ‘no? Hindi ako makapaniwalang ako yung kumakanta. One time, nasa Divisoria ako, namili ako ng caps at meron pala silang lugar doon kung saan naka-tune-in sila sa isang radio station at biglang pinatugtog ang Kung Sakali.
Parang gusto kong sabihin sa tinderang binibilhan kong ako yung singer. Nahiya lang ako. Ha-hahaha!” ani Michael who turns 18 today.
“Wala namang malaking selebrasyon kasi pambabae naman ang 18 years old, di po ba? Hindi naman ako magdi-debut today kaya simpleng selebrasyon lang kami tomorrow ng family dahil meron akong show at 10 p.m. tonight sa Zirkoh.
Lunch lang kami bukas with the family and of course kasama ka ‘Nay,” ani Michael sa akin. Of course, nandoon ako. Sa ayaw at sa gusto niya, di ba naman?
Anyway, sabihin man ni Michael na simple ang magiging handaan nila for lunch tomorrow pero tonight is one huge celebration ng kaniyang tunay na kaarawan.
He is starring in his major birthday cum fundraising-concert mamayang 10 p.m. sa Zirkoh Morato entitled “18MPH”.
Magiging special guests niya ang malalaking pangalan sa music industry.
Nakakatuwa dahil everyone wants to be part of his birthday show. Nandiyan sina Luke Mejares, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Carlo Aquino (na nagwaging Best Single Performance By An Actor sa Star Awards for TV 2013), Prima Diva Billy, The Miss Tres, AJ Tamisa, Le Chazz, Willy Jones and Gladys Guevarra with the very special participation of Aljur Abrenica and Allan K.
“I’m so grateful sa lahat ng guests ko plus my back-up singers na sina Kuya Sam and Ate Marnie. Marami akong inihandang songs for our audience.
Sana magustuhan nila. This is a dream come true for me, ang makapag-concert sa birthday ko,” ani Michael na lalong gumuwapo at feeling binata na talaga.
Medyo mas fit na siya ngayon compared to some months ago na medyo chubby pa. “Regular po kasi akong nagba-basketball at pag may time nagdyi-gym din.
Madalas po kasi ako sa out of town shows and mall tours kaya pag meron akong free time, basketball lang ang inaatupag ko,” sey ni Michael.
Nakakatuwa ang dalawa kong alaga – sina Michael nga at Prima Diva Billy na madalas manermun sa kaniya lalo pag nakakalimutan niyang dalhin ang minus one niya wherever he goes.
Hindi siya nakakaligtas sa sermon ng Ate Billy niya. “Kasi nga, kahit wala kang show, may pagkakataon kasing nahihilingan kang kumanta.
Iba na yung ready ka, puwede namang ilagay lang niya sa compartment ng kotse niya, eh. Kasi pag ibang areglo ang ipapakanta sa iyo, hindi mo na magawa ang gusto mong version, di ba?
Kaya palagi kong pinaalalahanan si Michael, bunso kasi sa grupo kaya wala siyang ligtas. Ha-hahaha!” ani Billy. I am very proud of my two artists of what they have become now.
Hindi man sila big stars pero hindi sila nababakante sa trabaho. Unti-unti na nilang nalalasap ang bunga ng kanilang pagtitiyaga. Marami silang mga bookings lately.
Ngayong December ay meron na silang special guestings. Pero next year ay mukhang bongga for my two kids – they are scheduled to perform in three European countries like Vienna, Austria, Italy and Germany sa imbitasyon ng isang grupo ng show promoters doon.
Meron pang imbitasyon sa States come March or April. Dito naman sa atin ay naiimbitahan sila occasionally.
“Magkaiba kasi sila ng style ni Prima Diva Billy. Si Michael ay R&B Pop while Prima Diva Billy ay belter to the highest level.
Pang-international ang standard nila pareho. In short, they compliment each other”, ani Lito “Yanggaw” Alejandria, partner ni Allan K sa Zirkoh and Klownz comedy bars.
Ang concert mamayang gabi ay hatid sa atin ng following presentors: Isabela Gov. Bojie Dy, Mang Inasal, Ms. Zeny Dayanghirang and Laguna Gov. ER Ejercito. Major sponsors are Quadro Frames, Aficioando, Joel Cruz Signatures, Kirei Beauty & Medical Group, Tita Emmie Valdez, Tita Ining Cruz, Soliman Septic Tank and a lot more.
Everyone’s invited tonight. Napakarami na ngang nagpapa-reserve sa amin ng tickets, because part of the proceeds will go to the Yolanda victims sa iba’t ibang bahagi ng kabisayaan. Yung iba, natural, for the benefit of the doubt. Ha-hahaha!
Mula sa aming lahat, nais naming iparating ang aming pagbati kay Michael Pangilinan sa kaniyang 18th birthday. We love you very much, anak. Remain a good boy, OK? Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.