PUMASOK sa kamalayan ng ordinaryong Pilipino ang sport na dragon boat nang manalo ng limang ginto at dalawang pilak ang koponang ipinadala ng Philippine Dragon Boat Federation sa IDBF World Championships sa Tampa, Florida. Nakakuha rin ng maraming simpatiya ang PDBF dahil sa nagtagumpay ang kanilang kampanya sa Florida kahit walang suportang natanggap mula sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee. Kinausap ni Bandera correspondent Eric Dimzon si PDBF president Marcia Cristobal at narito ang kanyang saloobin.
Masaya po ba kayo sa mga kaganapan sa Congressional at Senate hearing na nag-imbestiga sa di pagsuporta ng POC at PSC sa PDBF?We’re very happy that the Congress and Senate took time to investigate the situation. But it would have been more appropriate and meaningful if we just focused on the problems of the Philippine Dragon Boat team. There were too many resource person in the congressional hearing that muddled the true issue of the day. For me, mas naging maganda ang Senate hearing kasi naka-focus ang session sa problema ng Philippine Dragon Boat Federation as an NSA (national sports association).
Ano po ang susunod na hakbang ng PDBF sa layunin nitong ma-recognize ng POC?
Kahit ano’ng mangyari hindi kami titigil for the promotion and development of dragon boat as a sport in the Philippines.
Handa ba ang PDBF na tumayong mag-isa at di na umasa pa sa suporta ng gobyerno?
Hangga’t nandyan ang mga taong naniniwala sa amin, magpapatuloy pa rin kami sa pamamagitan ng mga suporta from the private sector at mga club team members ng PDBF.
Sa tingin po ninyo, mabubuhay ba ang Philippine Dragon Boat team sa tulong lamang ng private sector?
I’m positive about it. Yes, kakayanin. Teamwork at tiwala sa isat-isa ang kailangan.
Ano po para sa inyo ang solusyon sa gulo sa pagitan ng POC, PSC at ng PDBF?
Simple lang on our end — to reinstate PDBF as an NSA. Since 2003, kami naman ay recognized. Only last March 2011 lang kami dinowngrade. (The POC ordered the PBDF to be under the Philippine Canoe-Kayak Federation, saying that dragon boat is just an event of the canoe-kayak sport)
Hinihingi ninyo ba ang pagbibitiw sa puwesto ni Peping Cojuangco at ng ibang POC officials?
Naka-focus lang kami sa request namin at sana aming makamit ito sa lalong madaling panahon.
Ano po ang nais ninyong iparating sa ating Pangulong Aquino?
Sana tulungan kami na maibalik ang dating amin. Sana maibalik kami sa dati naming katayuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.