Suporta ni Sen. JV Ejercito nasungkit ni Bam Aquino

Bam Aquino at JV Ejercito
KINILALA ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang mahahalagang batas na isinulong ni dating Sen. Bam Aquino kaya ibinigay niya ang suporta sa hangarin ng huli na makabalik sa Senado.
Isa mga batas na napapakinabangan ngayon husto at binanggit ni Ejercito ay ang libreng pag-aaral sa kolehiyo.
“Dahil sa sipag niya (Aquino) libre na ngayon ang kolehiyo,” ani Ejercito.
Nagkasabay sa Senado sina Ejercito at Aquino noong 2013 hanggang 2019.
Naging co–author si Ejercito sa isinulong ni Aquino na Sangguniang Kabatan Reform Law.
Nakakatiyak ang senador na kapag nakabalik sa Senado, palalawigin ni Aquino ang libreng pag-aaral sa kolehiyo, gayundin ang paglikha ng mga bago at karagdagang trabaho.
Una nang nagpahayag ng kanilang suporta kay Aquino sina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Sen. Win Gatchalian at Dr. Willie Ong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.