JV Ejercito nag-comment sa bagong 'Eat Bulaga', mga hosts kailangan ng nametags para makilala? | Bandera

JV Ejercito nag-comment sa bagong ‘Eat Bulaga’, mga hosts kailangan ng nametags para makilala?

Therese Arceo - June 06, 2023 - 04:39 PM

JV Ejercito nag-comment sa bagong 'Eat Bulaga', mga hosts kailangan ng nametags para makilala?

MAGING ang senador na si JV Ejercito ay hindi maiwasang mag-react sa isyu ng “Eat Bulaga” at sa bagong mga hosts nito.

Kahapon, June 5, muling napanood live ang “Eat Bulaga” matapos ang pagbibitiw ng TVJ at ng iba pang mga hosts nito na sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Allan K, at Ryzza Mae Dizon.

Samu’t sari naman ang mga naging reaksyon ng netizens hinggil dito at isa nga rin si Sen. JV sa mga naglabas ng opinyon ukol rito.

“The ‘new’ Eat Bulaga! Parang kailangan nila lagyan ng name plates ang ibang talents.

“Mahirap ata tapatan TVJ, Alan K, Pao, Jose & Wally, etc. Eat Bulaga is really TVJ,” pagbabahagi ni JV.

Sa ngayon ay ang bagong hosts ng “Eat Bulaga” ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, Betong Sumya, Kokoy de Santos at marami pang iba.

Baka Bet Mo: JV Ejercito hindi pinangarap mag-artista; mga taga-showbiz makikinabang din sa Universal Healthcare Law

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami sa mga netizens ang agree sa tweet ni Sen. JV.

Ngunit ilang oras matapos ang nauna niyang tweet ukol sa “Eat Bulaga” ay tila may paalala naman ang senador ukol sa mga bagong hosts ng longest-running noontime show.

“But we shouldn’t bash the talents of the new EB. Hanapbuhay nila as talents,” sey ni Sen. JV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mukhang nakikinig naman ang bagong pamunuan ng programa dahil may mga chargen na lumalabas sa screen para malaman kung sino ang lumalabas na host.

Related Chika:
Bwelta ni JV Ejercito sa chikang nakabuntis siya: Wag kayong gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao…

Pagbasura ng kaso ni JV ejercito, inapela ng Ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending