Martin tinalakan ang mga magnanakaw na politiko | Bandera

Martin tinalakan ang mga magnanakaw na politiko

Ambet Nabus - November 22, 2013 - 03:00 AM

MARTIN NIEVERA

Saludo kami kay Martin Nievera dahil sa napaka-honest na komento nito na walang karapatang maging emosyonal ang mga pulitiko tuwing may mga trahedya o sakuna sa ating bansa na nagiging sanhi ng pagkamatay ng marami nating kababayan.

Hindi naman siguro nagpapakakontrobersyal ang singer-TV host pero agree kami sa tinuran niyang kapag may mga malawakan talagang trahedya sa ating bansa at nangangalap ng tulong para sa mga biktima, lagi talagang nangunguna ang mga artista o mga grupo na lumalapit sa mga artista para mag-fund raising. At ang mga politiko – hindi mo nakikita! Wala man lang paramdam!

Kaya sa nabalitaan naming gagawin na ring fund-raising event ang repeat ng kanyang concert ngayong gabi para sa mga biktima ng super bagyong si Yolanda, we have but deeper resepct and admiration for Martin na isa lamang talaga sa mga laging nandiyan kapag may mga nangangatok para sa tulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending