Nico Locco wild na wild, magpapasabog ng misteryo sa 'Kolektor'

Nico Locco wild na wild sa ‘Kolektor’; lumafang ng ‘Malagkit’ sa VMX

Ervin Santiago - March 16, 2025 - 10:58 AM

Nico Locco wild na wild sa 'Kolektor'; lumafang ng 'Malagkit' sa VMX

Ashley Lopez, Nico Locco at Candy Veloso

ANO nga ba ang mangyayari kung ang tamis ng pag-ibig ay unti-unting maging isang bangungot?

Tuklasin ang lihim ng “Kolektor”, isang bagong sexy thriller mula sa direksyon ni Carlo Alvarez handog ng VMX

Pinagbibidahan ni Nico Locco bilang si Jessie, isang mapang-akit na Filipino-Canadian na may madilim na sikreto. Hatid ng “Kolektor” sa mga manonood ang isang wild na istoryang puno ng panlilinlang at misteryo. Streaming na sa VMX.

Iikot ang kwento kay Jessie, na naiwan sa Pilipinas sa pangangalaga ng kanyang stepfather na si Bernard (Emil Sandoval) matapos pumanaw ang kanyang ina.

Sa kanyang buhay pag-ibig, makikilala ni Jessie sina Dawn (Candy Veloso), Anika (Salome Salvi), at Eula (Aiko Garcia) na magpapasiklab ng kanyang puso at pagnanasa.

Lahat sila ay mahuhulog sa karisma nito, at magkakaroon ng mainit at mapusok na relasyon kay Jessie. Ngunit, isa-isa rin silang malalagay sa panganib.

Si Dawn, na unang makikilala ni Jessie sa parking lot ng mall, ay agad na mabibighani at maniniwalang natagpuan na niya ang “the one” sa binata. Ngunit hindi magtatagal ang kanilang affair nang may mangyari kay Dawn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Locco (@akoposinico)


Si Anika naman, na kalaunan ay makakasama ni Jessie sa isang dinner date, ay hindi makakaiwas sa alindog nito at tuluyang mahuhulog sa isang relasyon na unti-unting magiging masidhi… at mapanganib.

At si Eula, na makikilala ni Jessie habang namimili ng groceries, ay walang kamalay-malay na ang kanilang relasyon ay hahantong sa isang hindi inaasahang pangyayari.

Habang nakikilala ang mga babae sa buhay ni Jessie, unti-unti ring lilitaw ang mga lihim na matagal niyang itinago sa likod ng kanyang mapanuksong ngiti at pagkatao.

Sino nga ba si Jessie? At ano ang papel ni Bernard sa mga kaganapang bumabalot sa kanya? Ang mga babaeng dadaan sa buhay ni Jessie ay sunud-sunod na mahuhulog sa isang bitag—at kailangan nilang malaman ang daan palabas bago pa mahuli ang lahat.

Huwag palampasin ang bangungot na dala ng pag-ibig sa “Kolektor” na eksklusibong mapapanood sa VMX.

* * *

Isa pang sexy movie na palabas na  ngayon sa VMX ay mula naman sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr., panoorin ang “Malagkit” na pagbibidahan nina Lea Bernabe, Ashley Lopez, VJ Vera, at Ace Toledo.

Kuwento ng magkasintahang sina Renald and Mindy, na maiisipang subukin ang kanilang relasyon para mas mapagtibay pa ang kanilang pagsasama.

Sa pag-aaya ni Renald ng kasal sa kanyang girlfriend na si Mindy, may ibang maiisip na gawin si Mindy para sa kanilang relasyon.

Para tingnan kung handa na sila para magpakasal, pupunta sila ng probinsya at susubukan kung kaya talaga nilang magsama “sa hirap at ginhawa.”

Makikituloy sila sa bahay ng dating kasambahay ni Mindy na si Che at sa asawa nitong si Aldrus, ang mag-asawa ay tahimik ngayong naninirahan sa probinsya at abala sa negosyo nilang kakanin.

Tila hindi naman naging maganda ang naging desisyon ni Renald at Mindy dahil parehas silang magkakagusto sa mga bago nilang kasama sa bahay.

Mahuhumaling si Mindy sa kakisigan ni Aldrus, at si Renald naman ay unti-unting aakitin ni Che. Madadagdagan din ang magnanais nila sa mga mag-asawa dahil halos gabi—gabi nilang naririnig ang mainit na pagmamahalan ng dalawa.

Bibigay sila at magpapadala sa malalagkit na tingin sa isa’t isa, nang isang gabi ay magsama-sama silang apat para uminom, at tuluyang magnasahan at tikman ang isa’t isa.

Ang pangyayaring ito ay babaguhin hindi lang ang buhay nina Mindy at Renald, kung pati ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May matuloy pa kayang kasalan matapos ang lahat? O pag-iisipan muna nila ang kanilang mga desisyon? Panoorin at alamin ang kahahantungan ng pagsasama nina Renalt at Mindy, panoorin ang Malagkit sa VMX.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending