Fire Prevention Month: Tamang paggamit ng LPG para sa kaligtasan

INQUIRER file photo
SA paggunita ng Fire Prevention Month ngayong Marso, muli naming ipapaalala ang kahalagahan ng tamang paggamit at pagpili ng ligtas na LPG tanks.
Ito ay upang maiwasan ang sunog at iba pang sakuna sa mga tahanan.
Kamakailan lang, naimbitahan ang BANDERA sa Dealer’s Appreciation Night ng isang independent marketer of high-quality industrial gases and petroleum products na ginanap sa Pasay City.
At diyan namin nakausap ang operations head ng Island Gas Group of Companies na si Engr. Cris Matias para sa safety guidelines sa paggamit ng LPG.
“So number one, see to it na walang leak ‘yung mga hoses natin after using ‘yung mga burner natin. Kailangang siguraduhin natin na naka-off ‘yung burner then ‘yung cylinder kailangan sigurado tayo na ma-off din at maisarado nang maayos,” paliwanag ni Engr. Matias.
Baka Bet Mo: Tips para ‘iwas-sunog’ ngayong Fire Prevention Month
Nilinaw rin niya na hindi sumasabog ang mismong LPG cylinder kundi ang singaw o vapor nito kapag may spark o ignition source.
“Kapag may nag-evaporate na vapor ng LPG sa ating kitchen o pamamahay, pag meron spark, automatic ‘yan na parang lightning na masusunog ‘yung LPG vapor,” esplika ng operations head.
Binigyang-diin din niya ang importansya ng pagpili ng maaasahang LPG brand.
“Ang kailangan, piliin nila ‘yung credible na brand, ‘yung brand na maaasahan. ‘Yung meron talagang well-maintained ‘yung mga tangke. Kailangan piliin nila kagaya ng amin –Island Gas, dahil well-maintained ‘yan,” sey niya sa exclusive interview.
Bukod diyan, ipinaalala ni Engr. Matias na may expiration ang LPG tanks at kailangang dumaan sa requalification kada limang taon.
“Pag luma na ‘yung tangke, dumaan na sa requalification, tingnan niyo kung five years na since na-requalify. Pag more than five years na, huwag niyo nang bibilhin. Sa brand new naman, tingnan natin ‘yung date of manufacturing, then kapag umabot na more than ten years na, huwag na nating bibilhin,” saad niya.
Nagbigay rin siya ng payo pagdating sa tamang paraan ng pagpatay ng apoy kung sakaling may sunog sa LPG tank.
“First thing to do, kailangan alisin natin ‘yung isang component ng fire which is oxygen,” sambit niya.
Patuloy niya, “Iba-blanket natin. Pwedeng basain natin ‘yung isang towel, kung maliit lang ‘yung apoy. Kung malaki na, talagang malaking towel o blanket. Basain mo, pigain mo, then i-cover.”
Sa parehong interview, nagbigay rin ng paalala si Erika Monastrial, ang Marketing Manager ng Island Gas.
“As we observe Fire Prevention Month, let’s prioritize safety by choosing the right LPG brand. A trusted LPG ensures reliability and peace of mind in your kitchen. Always check seals and maintain your tanks regularly. Stay safe and make informed choices for your home,” mensahe niya sa publiko.
Ang Island Gas ay isa sa mga pangunahing tagapagtustos ng liquefied petroleum gas (LPG), industrial gases, at iba pang produktong petrolyo sa Pilipinas sa loob ng mahigit 40 taon.
Nagsimula ito bilang isang maliit na negosyong pangangalakal ng mga scrap at junk noong 1960s hanggang sa matuklasan ng magkapatid na Carlito at Cesar P. Monastrial ang potensyal ng pagbebenta ng oxygen tanks.
Sa kabila ng mga pagsubok, napalago nila ang negosyo at napasok ang industriya ng LPG.
Sa kasalukuyan, patuloy itong nagbibigay ng de-kalidad at ligtas na LPG products para sa mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.