Babae ninakawan sa bangketa, ipon ng maraming taon natangay

Babaeng homeless ninakawan, ipon ng maraming taon natangay

Therese Arceo - February 22, 2025 - 02:41 PM

Babaeng homeless ninakawan, ipon ng maraming taon natangay

MAGING ang isang babaeng homeless na nakatira na lamang sa bangketa ay hindi pinalagpas at nagawa pang nakawan ng dalawang tao sa Barangay San Nicholas, Cebu City.

Base sa ulat ng GMA News, sa nakuhang CCTV footage, dalawang lalaki na sakay ng e-tricycle ang humito at lumapit sa pwesto kung saan naroroon ang biktima.

Maya-maya ay pumunta ito sa likod ng babae at tinangay ang bag na pagmamay-ari niya sabay tumakas gamit ang sinasakyang e-tricycle.

Nakuha ng mga ito ang nasa P20,000 na inipon ng homeless nang haloscsampung taon.

“Pinasok niya sa bag para[kung sakali] mayroon siyang makain. Nangunguha siya ng mga basura, nangangalakal,” pagbabahagi ng Brgy. Captain Clifford Ninal.

Baka Bet Mo: Aktor sa China naging pulubi, kumikita ngayon ng mahigit P500k kada buwan

Sa tulong ng CCTV ay naalerto agad ang mga tanod kaya nahabol nila ang mga suspek ngunit matapos makita ang e-trike ay tumakas na ang mga suspek.

“Iniwan na lang ‘yung ebike sa may malapit sa Ermita so parang delikado kasi ‘yung location na ‘yun.So kinuha na lang ‘yung bag at iniwan na lang ‘yung e-bike,” pagpapatuloy ng barangay captain.

Na-trace rin sa ginawang imbestigasyon na ang ginamit na e-trike para itakas ang bag ng babaeng homeles ay tinangay lang rin.

Naibalik naman daw sa babae ang kanyang bag ngunit hindi matukoy kung nabawasan nga ba ang kanyang pera dahil hindi na raw makausap nang matino ang babae at tila shocked pa rin sa mga pangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika ng babae, ag-isa na lang rae siya sa buhay at may kasama lang na matandang lalaki sa bangketa pero hindi niya ito kaano-ano.

Handa namang magbigay ng karagdagang tulong ang barangay sa babaeng homeless.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending