Kris Aquino ipinasilip ang b-day celebration, back to work na rin daw?

PHOTO: Instagram/@krisaquino
SIMPLE pero masaya ang naging kaarawan ng Queen of All Media na si Kris Aquino nitong February 14 na kasabay rin ng Valentine’s Day.
Ang naging selebrasyon ay ipinasilip mismo ni Kris sa kanyang Instagram page na kung saan ay bumungad ang napakaraming regalo mula sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
Makikita pa nga na halos napuno ang isang kwarto na mga stuff toys at makukulay na mga bulaklak.
May mga pictures din na kasama niya ang dalawang anak na sina Josh at Bimby, pati na rin ang ilang mga kaibigan na bumisita sa kanyang bahay.
Baka Bet Mo: Kris iniiyak na lang ang sobrang sakit na nararanasan: Tuloy ang laban!
“I want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in,” caption niya sa IG post.
Aniya pa, “But above all- I thank you for being with me, kuya josh, and bimb during my journey towards recovery.”
View this post on Instagram
Kasunod niyan, may good news ang dating writer at close friend ni Kris na si Dindo Balares.
“She’s back working! [yellow heart emoji],” bungad niya sa isang IG post na may throwback picture ng Queen of All Media.
“Sinubukan niya the other day,” kwento niya, pero ang sabi raw sa kanya ni Kris: “But we all realized- 1 day of work means 3 days of bed rest.”
Ayon kay Dindo, ito muna ang ibabandera niyang update dahil hindi pa raw siya pwedeng magbigay ng ibang detalye kung ano ang latest project ngayon ni Kris.
“Baka masabihan na naman ako ng, ‘Kung minsan daldal ka rin, Kuya Dindo’ [laughing emoji],” aniya pa.
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming fans at netizens ang natuwa sa balita at umaasa na patuloy na gagaling si Kris mula sa kanyang sakit.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Nakaka-happy na news, sana tuloy tuloy na. Wish to hear more exciting news from you Kuya. “
“Happy birthday Ms. Kris wish ko gumaling ka na at makabalik na sa work mo miss ka na namin.”
“I love you forever Ms. Kris [red heart emoji] Happy Birthday po. Sana tuloy tuloy na ang iyong paggaling [folded hands emoji].”
“Yehey! Napangiti mo po ako sir Dindo. Thanks po. Happy happy birthday, Madam! [birthday cake, gift, party popper emojis]”
“Happiest birthday Ms. Kris Aquino [red heart emojis] avid fan here nakaka-happy po ang caption niyo.”
Kung matatandaan, September last year nang umuwi sa Pilipinas si Kris makalipas ang dalawang taong pagpapagamot sa United States.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.