Kris iniiyak na lang ang sobrang sakit na nararanasan: Tuloy ang laban!
HINDI lang nakikita ng publiko, pero hirap na hirap si Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman, lalo na kapag nararamdaman niya ang sobrang sakit.
Sa pinakabagong litrato na inilabas ng malapit na kaibigan ni Kris na si Kuya Dindo Balares, dating entertainment editor, makikita na tila lumalakas na ang TV host-actress.
Ibinahagi ni Kuya Dindo sa kanyang Facebook page ang naturang photo ni Kris kung saan makikitang naglalakad-lakad ang premyadong TV host.
Sabi raw ni Kris sa kanyang kaibigan at confidante, “Ganyan kapayat my legs. That’s why i need physical therapy. And I’m 87 pounds, Kuya Dindo.”
Baka Bet Mo: Bimby ibang klase kung tumingin sa attractive girls: ‘Straight siya!’
Ang caption naman ng dating tabloid editor sa kanyang FB status, “Maraming pagkakataon na iniiyak na lang ni Kris ang sobrang sakit na nararanasan.
“Pero sabi niya ilang oras bago sumailalim sa bagong procedure sa Makati Medical Center kahapon, #TuloyAngLaban,” dagdag pa niya.
Bago ito, ibinalita rin ni Kuya Dindo na na-confine uli sa ospital si Kris para sa bagong medical treatment na gagawin sa kanya.
Naloloka nga raw siya kay Kris dahil sa kabila ng health condition nito ay gusto pa ring maki-join sa relief operations para sa mga nasalanta ng Typhoon Kristine bago pa ito pumasok sa Makati Medical Center.
View this post on Instagram
Post ni Kuya Dindo sa FB, “Sa mga pagkakataong tinatamaan ako ng melancholia — nitong mga nakaraang araw, dahil sa Bagyong Kristine — laging nagkakataon na kumokontak si Kris Aquino.
“You know Krisy, kahit may mga pansariling pinagdadaanan napakabilis makatunog kung kailangan mong magtanggal ng mga kalawang sa panga at ngala-ngala.
“Matagal-tagal na akong ‘di tumatawa ng napakalakas, ngayong umaga lang uli.
“Ang pagtawag (ni Kris), para ipaalam na papasok siya ngayong gabi (kahapon, October 27) sa Makati Medical Center for another procedure.
“Nakaka-guilty na siya na nga ang kailangang pasayahin, siya pa ang umaliw.
“Paano ba naman, gustong sumali sa relief operations! E, dapat nga siyang sumailalim sa operation sa Makati Med!
“Mahaba ang kuwentuhan namin, at ikukuwento ko rin para sa kanyang followers. Pakiabangan po.
“Nakatulog daw siyang mabuti kaya nagpadala ng photo. Yes, latest photo niya ito,” pagbabahagi pa ni Kuya Dindo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.