Matutina ng ‘John en Marsha’ pumanaw na sa edad 78

Matutina ng ‘John en Marsha’ pumanaw na sa edad 78

Pauline del Rosario - February 14, 2025 - 03:47 PM

Matutina ng ‘John en Marsha’ pumanaw na sa edad 78

Matutina

PUMANAW na ang batikang komedyante na si Matutina o Evelyn Bontogon-Guerrero sa tunay na buhay. Siya ay nasa edad 78.

Ang malungkot na balitang ‘yan ay kinumpirma mismo ng kanyang anak na si Shiela Guerrero, base sa ulat ng GMA News Online.

“My mom passed away this morning,” sey ni Shiela sa Facebook messenger na ipinadala sa nasabing news outlet ngayong araw February 14.

May ipinakita pa nga raw na medical certificate na ang sanhi ng pagkamatay ay Acute Respiratory Failure due to Volume Fluid Overload.

Baka Bet Mo: Kapatid ni Alice Guo na si Sheila nakakulong na sa Senado

Ito rin daw ay dulot ng karamdaman ni Matutina na Stage 5 Chronic Kidney Disease due to Hypertensive Nephrosclerosis.

Kung matatandaa, nagsimula sa mundo ng showbiz si Matutina noong dekada 70 hanggang dekada 90 kung saan nakagawa siya ng napakarami ring TV shows at pelikula.

Pero ang talagang tumatak sa mga Pinoy viewers noon ay ang kanyang role sa classic at hit TV series na “John en Marsha” na pinagbibidahan nina Dolphy at Nida Blanca.

Ang naging karakter niya riyan ay bilang masungit at epal na kasambahay ni Donya Delilah na ginampanan ni Dely Atay-Atayan na pumanaw na rin ilang taon na ang nakaraan.

Pero bago ang lahat, nagsimula ang kanyang showbiz career bilang radio talent.

Nakilala siya dahil sa kanyang matining na boses at madalas na linyang: “Etcera, etcetera” at “Cheke mo o Cheke ko?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa nabanggit, ilan pa sa mga naging proyekto ni Matutina ay ang “At Your Service, Matutina,” “Ang Inyong Lingkod Matutina,” “Dancing Master 2,” “Kapag Baboy Ang Inutang,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending