2025 Prediction 2: virus sa mata, showbiz buntisan, delubyo ng sanggol

2025 Prediction 2: virus sa mata, showbiz buntisan, delubyo ng sanggol

Ervin Santiago - January 02, 2025 - 10:17 AM
2025 Prediction: virus sa mata, showbiz buntisan, delubyo ng sanggol

MATINDING problema sa pagkain, magulong eleksyon, malalakas na bagyo, paglabas ng iba’t ibang sinaunang insekto, virus sa mata at ang pagsilang ng batang maghahatid ng delubyo sa mundo.

Ilan lang iyan sa mga pangitain o prediction ni Jay Costura, isang kilalang psychic at tarot card reader dito sa Pilipinas, ngayong 2025.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, inilabas ng tinaguriang Nostradamus of Asia ang kanyang 2025 Predictions & Premonitions na in-upload  noon pang November 26, 2024.

“Ano ba ang year 2025 ngayon? Ito ba’y mabangis? Ito ba ay maamo? Ito ba’y positive or negative?” simulang pahayag ni Jay.

Baka Bet Mo: Netizens naloka sa okrayan nina Kiray at Senyora; iba pang celebs damay?

Aniya, sa pagpasok pa lang ng 2025 ay may malaking gulo na ang mangyayari sa pagitan ng dalawang bansa. Sa katunayan, nagsimula na raw ang mga signs nito.

Kasunod nito, pinayuhan niya ang lahat na magsimula nang mag-imbak ng mga pagkain dahil posibleng magkaroon ng matinding food shortage ngayong taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa pagpasok pa lang ng 2025 ay magkakaroon ng malaking problema sa pagkain. Magkakaroon ng rice shortage at water shortage,” pahayag ni Jay.

Bukod sa magiging magulo raw ang magaganap na eleksyon sa darating na May, mas matindi rin daw ang haharaping problema ng bansa sa mga epekto ng climate change.

“Paiba-iba ang panahon, mas malakas ang bagyo na papasok sa 2025. Mas malakas ang papasok na delubyo ngayong 2025,” sabi ng psychic.

Iba’t ibang uri rin daw ng insekto ang maglalabasan anumang araw mula ngayon, “I see black bugs para bang sinaunang panahon na nagsisilabasan ang iba’t ibang insekto.”

May nakikita rin daw si Jay na biglang pagtaas ng crime rate sa Pilipinas kasabay ng pagdami ng mga Pinoy na malululong sa pagsusugal.

“Ang ikinakatakot ko kasi tataas yung crime rate, malakas din ang tinatawag na percentage ng rape cases dito sa bansa,” ang babala pa ni Jay.

Pinayuhan din niya ang lahat na paghandaan ang sunod-sunod na volcanic eruption sa iba’t ibang lugar, “Maaaring sabay-sabay ito o mas malala pa.”

Samantala, may pangitain din siya ng kakaibang sakit na ang target ay ang mga mata, “Hindi siya sore eyes pero it’s more on high of that. Mata ang tatamaan ng bagong virus na papasok sa 2025.”

May nakikita rin siyang isang malaking factory na magliliyab, “Sa mga aksidente mas maraming magaganap na sunog dahil sa sobrang init sa papasok ng 2025. Mas malala talaga ang mangyayaring climate change ngayong 2025.”

Rebelasyon pa ni Jay, may isang bata raw na isisilang na siyang magdadala umano ng mga senyales ng delubyo. Magkakaroon daw ang naturang sanggol ng markang baligtad na krus.

“Yung sanggol na ito ay ipapanganak malapit na. Maaaring maganap na siya ngayong 2025,” sabi pa ng tarot card reader.

Sa mundo naman ng showbiz, may pangitain siya na isang indie film actor daw ang makikilala sa Hollywood o sa ibang bansa dahil sa kanyang husay at pambihirang talento.

“Dating simple lang ang buhay niya, maaaring payak lang talaga. Pero sa husay niya. Ito ay lalaki ha, sa pinapakita sa akin. Siya ay mahihighlight sa Hollywood,” aniya.

Nabanggit din ni Jay na maraming artista ang mabubuntis this year.

Sa huli, muling ipinaalala ni Jay Costura na gabay at warning lang ang ibinahagi niyang prediksyon dahil nakasalalay pa rin ang lahat ng mangyayari sa desisyon at pagkilos ng bawat isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinayuhan din niya ang bawat Pilipino na maging positibo sa lahat ng bagay at laging maging handa sa mga parating na hamon ng buhay at tadhana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending