Marian naluha sa first-ever stage performance ni Zia: You make mama proud!
GRABE! Very talented talaga si Zia, ang panganay ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Maliban kasi sa magaling itong mag-swimming, maganda rin ang kanyang boses sa pagkanta!
Kahit nga mismo si Marian ay naging emosyonal nang mapanood niya si Zia na kumanta sa stage for the first time.
Sa Facebook, proud na ibinandera ng celebrity mom ang pasilip sa naging rehearsal ng kanyang anak bago mag-perform.
Sey ni Marian, “Pumatak ang luha ko sa panonood sayo habang nag re-rehearsal ka.”
“Ito ang una mong pagkakataon na sumubok sa mga bagay na hindi ka pamilyar pero sinubukan mo, as in literal eto ang first time mo tumuntong sa entablado para kumanta,” wika pa niya.
Kasunod niyan, tiniyak ni Marian sa anak ang kanilang suporta upang matupad ang mga pangarap nito.
“Sabi ko nga sayo lahat ng biyayang ito ay nagmula sa kanya at iaalay natin sa taas. You make mama proud as always!” mensahe niya kay Zia.
Sa hiwalay na posts, ipinakita ni Marian ang naging preparasyon nilang mag-ina sa backstage na kung saan siya mismo ang nagsilbing makeup artist ng anak.
“Minsan makeup artist, pero madalas stage mom! Hahahaha [emoji] love you Z all out si mama para sayo [red heart emoji,” sambit niya sa FB.
Maliban kay Zia, may anak ding lalaki sina Marian at Dingdong na si Sixto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.