3 patay, 25 sugatan sa ‘salpukan’ ng maraming sasakyan sa Katipunan Ave
TATLO ang kumpirmadong patay sa isang aksidente ng maraming sasakyan sa Katipunan Flyover, Quezon City kagabi, December 5.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang sa mga nasawi ang isang babae at dalawang lalaki.
Habang 25 na iba pa ang nagtamo ng sugat matapos ang insidente na naganap bandang 8:33 p.m.
Baka Bet Mo: Janno napamura nang mabiktima ng prank call nina Aiko, Gelli at Carmina
Sinabi ng BFP na kasangkot sa aksidente ang isang pampasaherong bus, isang 10-wheeler closed van, isang L300 van, limang kotse, at 16 na motorsiklo.
“The crash caused significant disruption, with debris scattered across the area and traffic completely halted,” saad sa report ng BFP.
Dagdag pa nito, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.