Ron Angeles curious kung paano maging GF si Nadine: Dyodyowain ko ‘yun!
“MA-APPRECIATE mo ako kung ano ang ginagawa ko yung ipinapakita ko sa ‘yo at ‘wag mong hahanapin sa iba ‘yung wala sa akin,” ito ang rules ni Ron Angeles pagdating sa usaping pag-ibig.
Nakapanayam si anf baguhang aktor sa “Kapamilya Online Chat” kamakailan at isa ang lovelife sa napag-usapan nila.
Dagdag paliwanag pa ni Ron, “Puwede mong sabihin (kung ano ang gusto mo) maraming pagkukulang ang tao. Maraming pagkukulang especially sa love, relationship napakadami n’yan, pero once na hinanap mo na ‘yun (sa akin), wala na do’n na kasi mag-start na puwede kang magloko, puwede kayong mag-away, puwede kayong maghiwalay, so, ganu’n ako. ‘Wag mong hanapin sa ibang tao ‘yung wala ro’n sa mahal mo.”
Baka Bet Mo: Nadine minura-mura si Aga; agad-agad nag-YES sa ‘Uninvited’
View this post on Instagram
Ang nakikitang solusyon ni Ron para maging maayos ang relasyon ay i-work out o pag-usapan kung ano ang ikagaganda ng pagsasama.
“Pag-usapan ninyo kung puwede ka bang maging ganito o puwede mo bang dagdagan ganu’n bagay or communication (at) ‘yun lang ‘yung rule ko talaga kasi once na nangyari ‘yun wala na. Based on my experience ‘yan itong mga sinasabi ko,” esplika ng isa sa cast ng pelikulang Uninvited na mapapanood ngayong December 25 nationwide.
Umayon din ang Kapamilya online chat host na si Jeremiah Catamio, “pero totoo naman na kapag naghanap ka talaga ng wala na sinasabi nila, doon na talaga nagsisimula ‘yung mga hindi magagandang bagay na pangyayari.”
Hirit pa ni Ron, “ibig sabihin kasi no’n hindi ka masaya (at kuntento).”
At ang rule ni Ron sa sarili niya.
“Ma-maintain ko kung ano ‘yung bagay na napaghirapan ko simula nu’ng una then health is wealth at ‘wag kang makakalimot magpasalamat sa Diyos sa lahat ng bagay na nakukuha mo ngayon even hindi mo hiniling or ibinigay na lang sa ‘yo at kahit may problema ka, dapat marunong ka pa ring magpasalamat dahil hindi mo kayang ikaw lang,” pahayag ni Ron.
Samantala, may pa-game si Jeremiah na to-tropahin o jo-jowain at binanggit niya ang mga kilalang Kapamilya aktres at dito nabuking kung sino ang mga tipo ni Ron sa kanila.
Tropa ang tingin ni Ron kay Sue Ramirez, “kasi sobrang cool niya at ‘yung relationship ninyo ayaw mong tapusin, so, mas maganda kung friends lang kayo.”
Nang binanggit ang pangalang Jane de Leon ay napangiti si Ron, “jo-jowain (sabay tawa at na-hot seat daw siya). Feel ko lang, jowa material si Jane.”
Paano nga ba ilalarawan ni Ron Angeles ang ideal girl niya, “physically, iba-iba, eh. Wala akong specific (itsura) kasi gusto ko nararamdaman ko kapag nakita kita, ‘yung aura mo kayang i-absorb ng aura ko, physically iba-iba, eh. Kasi kung gusto ko tapos hindi niya na-meet ang expectation ko, so, I feel bad for myself then sa kanya rin.”
Tumawa si Ron sa sinabi niyang to-tropahin na lang niya si Kathryn Bernardo, “trop ana lang. Siguro kung hindi siya si Kathryn Bernardo, jo-jowain ko siya pero as Kathryn siguro masayang maging kaibigan si Kath.”
Biglang tumawang hirit ng actor, “pero kung may chance naman, di ba in the future malay mo naman at hindi naman natin masabi ang oras at panahon at nakikita ko siyang pang wifey material…long term last heto na ‘yun kasalan na, destiny di ba?”
Siyempre hindi mawawala sa choices ang nag-iisang Kim Chiu, “ jo-jowain din, sense of humor ni Kim ang taas, eh pag pinapanood ko lang siya (natatawa ako), feeling ko si Kim sobrang maalaga at doon din ako nakukuha pag sobrang maalaga lalo na kapag ‘baby treatment.’ Gusto ko ring bine-baby ako ha, ha, ha.”
Si Fyang Smith ang 18th Big Winner sa katatapos na Pinoy Big Brother ay, “tropa kasi I think si Fyang for me too young and I’m not into younger girls din, Mas gusto ko talaga ‘yung older than me gusto ko mas matured sa akin mag isip para nagmi-meet ‘yung utak namin. Pero ang kabataan ngayon ay marami na rin silang nagiging experience at a very young age, so lumalawak na ‘yung pag-iisip nila but for Fyang, to-tropahin at puwede ko siyang maging babu sister.”
At ang last but not the least si Nadine Lustre na leading lady niya sa Uninvited mula sa direksyon ni Dan Villegas handog ng Mentorque Productions at Project 8 Projects distributed locally by Warner Brothers na entry sa 50th Metro Manila Film Festival at mapapanood simula sa December 25 hanggang January 7.
Ang ganda ng tawa ni Ron nang marinig niya ang pangalan ng aktres, “ha, ha, ha, jo-jowain ko ‘yun. Kasi nakasama ko na si Nadz (shooting) nakita ko na mga 5-10% kung sino siya off-cam, so, nakita ko na. Paano kaya kapag naging jowa ko siya? Paano kaya siya sa akin? Kasi mabait siya ngayon at friends kami what more kung kami na together? So, alam mo ‘yung (thoughts) what if, what if? “
Anyway, base sa trailer ng Uninvited ay may eksena sina Ron at Nadine dahilan kaya nagalit ang tatay niyang si Aga Muhlach at nagkaroon sila ng gulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.