Pokwang Walang Karamutan Sa Katawan; Pinatawad Na Ang Press | Bandera

Pokwang Walang Karamutan Sa Katawan; Pinatawad Na Ang Press

Julie Bonifacio - November 15, 2013 - 03:00 AM

POKWANG

INULAN nang papuri ang bagong bansag na “IT Girl of Comedy” sa Pilipinas na si Pokwang sa presscon sa bagong sanib-pwersa ng Star Cinema and Skylight Films, ang “Call Center Girl.”

Inumpisahan ng co-star niya sa movie na si John Lapus ang papuri kay Pokwang hanggang sa direktor nila na si Don Cuaresma na siya ring tumawag sa komedyana sa bago niyang titulo.

Sa totoo lang, kami man ay nakaranas ng kabutihang loob ni Pokwang. Nu’ng nagkayayaan ang ilang entertainment press para sa isang summer vacation sa Batangas, agad-agad ay pumayag si Pokwang na ipagamit sa amin ang pink coaster na ibinigay sa kanya ni Kris Aquino noon. Plus, nagbigay pa siya ng pang-gasolina.

Sa ‘di inaasahang pangyayari, nagkadiperensya ang sasakyan. Through text messages ay ipinaalam namin kay Pokwang ang nangyari sa kanyang sasakyan at kasunod ang paghingi ng paumanhin.

Naunawaan namin kung nagalit o sumama man ang loob niya sa nangyari but just the same she sent us a message na hayan na, nangyari na at ayaw na niyang ma-stress.

Bukod sa text message, ninais pa namin na makita siya para personal mag-apologize kasama ang iba pang members ng press.

But sad to say, ‘di namin alam kung paano siya pupuntahan sa taping ng kanyang show.

Pagkatapos ng presscon ng “Call Center Girl” ay ‘di sinasadyang inabutan namin si Pokwang na naghihintay ng elevator sa 13th floor ng ELJ Building. Agad-agad ay humingi ulit kami ng paumanhin sa kanya. Mabilis naman niya itong tinanggap kasunod ang pagyakap at paghalik namin ni Pokwang sa isa’t isa.

Noon pa man ay alam na namin kung gaano kabuti ng kalooban ni Pokwang. Isa kami sa mga unang nag-interbyu sa kanya sa kauna-unahan niyang show sa ABS-CBN.

At feeling namin isa rin kami sa mga unang reporter na pinatuloy niya sa kanyang bahay at nakilala ang kanyang pamilya sa inuupahan pa lamang nila noon sa Antipolo. Doon una naming natikman ang luto ni Pokwang at ng kanyang butihing ina.

Pagkatapos ng tsikahan sa bahay niya ay dinaan pa niya kami sa mismong lutuan ng pinakamasarap na suman sa Antipolo. At pinauwian niya kami ng bagong lutong suman, huh!

Hindi pa ganoon kabongga ang career ni Pokwang pero marunong na siyang mag-share ng blessings niya una na sa kanyang pamilya. No wonder tuluy-tuloy ang pagpapala sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tulad ni Sweet we also wish her na kumita sa takilya ang “Call Center Girl” ni Pokwang na ipapalabas on Nov. 27.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending