Mga nasawi sa bagyong Kristine umakyat na sa 81

Mga nasawi sa bagyong Kristine umakyat na sa 81, ayon sa NDRRMC

Pauline del Rosario - October 27, 2024 - 05:00 AM

Mga nasawi sa bagyong Kristine umakyat na sa 81, ayon sa NDRRMC

UMABOT na sa 81 na katao ang mga namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Ngunit nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa palang diyan ang “validated,” as of October 26, 8 a.m.

Bukod diyan, umakyat na sa 66 ang mga nasaktan, habang nasa 34 ang mga nawawala mula nang pumasok ang bagyo sa ating bansa noong Martes, October 22.

Sinabi rin ng ahensya na isa pa lang diyan ang kumpirmadong “missing” mula sa nasabing report.

Base pa sa newest data ng NDRRMC, tinatayang aabot ng 4,207,387 people ang apektado at kabilang na riyan ang 495,123 na na-displace nationwide.

Baka Bet Mo: SB19 may pa-donation drive para sa nasalanta ng bagyong Kristine

Dahil sa bagyong Kristine, 83 na siyudad at munisipalidad ang nagdeklara ng “state of calamity,” kabilang na riyan ang Quezon City, Cavite, ilang lugar sa Quezon Province, ilang bahagi ng Bicol Region, at ilang bahagi ng Eastern Visayas.

Ang kabuuang halaga ng pinsala ng nasabing sama ng panahon pagdating sa imprastraktura ay umabot na ng mahigit P203 million.

Iniulat din ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na 25 road sections sa anim na rehiyon ang nananatiling sarado –12 diyan ay sa Bicol.

Magugunita noong BIyernes, October 25, nang tuluyan nang lumabas ng ating bansa ang bagyong Kristine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending